Aljur Abrenica on son Alas meeting grandpa Robin Padilla a first time: "Masayang-masaya ako."

IMAGE Noel Orsal

Hindi raw nagmamadali si Aljur Abrenica na magkita sila at magkausap ni Robin Padilla. May tamang pagkakataon naman daw para rito. 


Ikinatuwa nang husto ni Aljur Abrenica na nagkita na sa wakas ang anak nila ni Kylie Padilla na si Alas at ang lolo nitong si Robin Padilla.

Naganap ang unang pagkikita ng mag-lolo sa first birthday party ng anak nina Robin at Mariel Rodriguez na si Isabella, noong November 2017, sa The Blue Leaf, sa Taguig City.


Stories We Are Tracking

Robin Padilla meets grandson Alas for the first time
Robin Padilla meets grandson Alas for the first time
Robin Padilla elated to meet grandson with daughter Kylie
Robin Padilla elated to meet grandson with daughter Kylie

Sa media conference ng bagong teleserye ng ABS-CBN na Asintado ngayong Lunes, January 8, sinabi ni Aljur na kahit hindi siya nakasama sa nasabing event ay masaya siyang nagkita na si Robin at ang apo nito sa kanila ni Kylie.

Pahayag ng Kapamilya actor, “Ayun, tuwang-tuwa ako, masayang-masaya ako.

"Ipinakita pa nga sa akin ni Kylie yung mga videos, e."

Pagdating naman sa relasyon nila ni Robin, aminado si Aljur na hindi pa rin sila nagkakasundo dahil gusto ng action star na makasal muna sila ni Kylie bago sila mag-usap.

Pero umaasa si Aljur na matanggap na siya ni Robin.  

Saad niya, “Well, okay naman.

“Ang masasabi ko lang, hopeful lang ako.

"Hopeful ako na lahat ng makakabuti sa anak ko, mangyayari."

Tutok pa rin daw ang kanyang fiancée na si Kylie sa pag-aalaga sa kanilang anak, lalo ngayong wala silang katulong sa bahay.

Kaya hindi pa raw prayoridad ni Kylie ang mag-showbiz comeback.

Paliwanag ni Aljur, “Continuous yung breastfeeding para sa bata.

“Sa showbiz naman, pinag-uusapan pa namin.

"Basta hindi ma-compromise yung pag-aalaga kay Alas, kung babalik siya, babalik siya.”

Samantala, ipapalabas na simula sa Lunes, January 15, ang unang full-time teleserye ni Aljur sa ABS-CBN, ang Asintado.

Kasama rin niya sa show sina Julia Montes, Lorna Tolentino, Paulo Avelino, Cherry Pie Picache, at Shaina Magdayao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN