Marian Rivera on Dingdong Dantes's anniversary video: "Ay, sandali, natatapakan niyo ang buhok ko!"

IMAGE Marian Rivera Instagram

Marian Rivera on husband Dingdong Dantes's anniversary video: "Bihira lang 'yan na magsalita ng talagang tungkol sa amin, or pag may interview, mga pasingit-singit lang 'yan. So, dun sa video, ibinuhos niya ang mga gusto niya talagang sabihin sa akin."


Marami ang naluha at natuwa nang i-share ni Dingdong Dantes sa Facebook ang third wedding anniversary gift niya para sa asawang si Marian Rivera. 

Ito ay isang video na naglalahad ng kanilang love story. Tatlong taon na mula nang ikasal ang dalawa noong December 30, 2014.

Ikinuwento ng 33-year-old Kapuso actress ang kuwento sa likod ng anniversary gift ni Dingdong sa kanya.

"Ako yung na-touched sa kanya. 

"Sabi niya sa akin, 'Mahal, may gift ako sa ‘yo, pero hindi materyal na bagay, pero buong puso kong ginawa.

"Sabi ko, 'Ay, ano 'yan? Halika.'

"Tapos, bago niya ipapanood sa akin, nangingilid yung luha niya.

"Sabi ko, 'Ano kaya ito?' Tapos binigay na niya sa akin."

Personal video ito ng journey nila bilang mag-asawa.

Patuloy ni Marian, "So, pagtingin ko, music pa lang, humihikbi na ako.

"Hanggang sa nakita ko yung pinagdaanan namin, yung wedding namin na ang sarap panoorin...

"Hanggang sa humagulgol na ako nung si Zia na yung lumabas.

"Dun ko lalo na-realize na ang sarap ng family na ito.

"Tsaka yung mga message niya sa akin dun, sabi ko nga, bihira lang...

"Example, kilala niyo naman si Dong, e.

"Bihira lang 'yan na magsalita ng talagang tungkol sa amin, or pag may interview, mga pasingit-singit lang 'yan.

"So, dun sa video, ibinuhos niya ang mga gusto niya talagang sabihin sa akin.  

"Actually, pagkapanood ko nung video, sabi niya sa akin, 'Gusto ko itong i-share sa iba, puwede ba?'

"Gusto daw niyang i-share kung gaano niya ako kamahal. Sabi ko, 'Go!'

"Ay, sandali, natatapakan niyo ang buhok ko!" at tumawa si Marian.

Biro namin kay Marian, abot hanggang GMA Network Center ang haba ng buhok niya.

"Hindi lang, hanggang sa Spain nga, e, sa tatay ko, abot!"

Kahit daw ang ama niya ay napanood na ang naturang video.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa ni Marian, "Actually, ibinigay niya sa akin iyon [December] 30, 31...

"Kasi ang buong family namin, nasa bahay—family ko sa Cavite tsaka family ni Dong. Kumpleto kami every New Year.

"Bago kami kumain, sabi ni Dong, 'Gusto kong ipapanood ito sa inyo.'

"Gusto niya, bago niya i-share sa lahat ng tao, sa family muna namin.

"Tapos sabi niya sa akin, 'Sana palagi mo 'yang panoorin para malaman mo kung gaano kita kamahal.'

"Kasi minsan, siyempre in a relationship, hindi naman palaging ano kayo, chill kayo.

"Di ba, minsan may mga busy moments kayo?

"Like ako, baligtad kami ngayon, siya ang nasa bahay or may meetings-meetings, ako yung talagang tadtad ng taping.

"So, minsan, alam mo yung pagod ako, ganito ako, hindi kami madalas magkita, kita ko lang, 'Ay, tulog.'"

Nasa telepono raw ni Marian ang naturang video kaya lagi niya itong pinapanood kahit nasaan siya.

Ano naman ang regalo niya kay Dingdong nung anniversary nila?

"Nag-nighties lang ako. Choz!" pabirong sagot ni Marian. "Hindi, basta simpleng regalo lang."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa taping ng kanyang prtimetime series sa GMA Network, ang Super Ma'am, sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife sa Quezon City, kahapon, January 8.

CHRISTMAS VACATION IN SIARGAO. Samantala, three days nagbakasyon sa Siargao sina Marian at Dingdong kasama ang kanilang mga pamilya.

"Masaya kasi ano kami dun, e, bonding kami with family ni Dong tsaka family ko," banggit ng aktres.

Hindi raw iyon ang unang beses na nagpunta sila sa Siargao.

"Nung una, kasama namin si Zia, tapos kaming dalawa lang ni Dong.

"So, nag-decide kami na what if ipunta natin sila ulit. So, pag pumunta kami, kasama sila.

"So, after Christmas, [December] 26, dun na kami."

Gaano sila nagandahan sa Siargao?

"Well, virgin island kasi siya, tsaka masarap ang mga food."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba sila nakabuo ni Dingdong ng kapatid ni Zia habang nasa Siargao sila?

"Wala po, meron po ako ngayon!" at tumawa si Marian.

"Pagkatapos na nito [Super Ma'am] bilang matatapos na naman.

"Mahirap magtrabaho nang may laman [ang sinapupunan].”

Speaking of Super Ma’am, tinanong namin si Marian kung bakit medyo matagal siyang nawala sa naturang GMA fantasy series.

Tugon niya, "E, hayaan mo na, minsan lang mag-Pasko sa buong buhay.

"Nagpaalam naman ako ahead of time, hindi naman ako hinindian.

"Tsaka nag-taping naman ako, na imbes every other day, naging minsan three days straight, may four days naman ako, nag-advance naman ako."

Dahil kakatapos lang ng Pasko ay napag-usapan ang Christmas gift ni Dingdong sa kanya.

Ayon kay Marian, "Binilhan niya ako ng dress.

"Tapos binilhan niya ako ng malaking-malaking make-up kit.

"Kasi minsan, nagpapaayos ako sa bahay, siyempre ang make-up artist lang ang may dala ng mirror and everything."

Kaya binilhan siya ng kanyang mister.

Ano naman ang regalo niya kay Dingdong?

"Tanungin mo na lang siya. Basta may ibinigay ako sa kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN