Julia Montes on Coco Martin being a perfect boyfriend: "Kung as a boyfriend, yes."

IMAGE Noel Orsal

Nagpaliwanag si Julia Montes sa closeness nila ni Coco Martin. Itinuturing daw niyang mentor ang napapabalitang boyfriend.


Matagal nang usap-usapan ang diumano'y relasyon nina Julia Montes, 22, at Coco Martin, 36. Pero parehong tikom ang bibig ng dalawa tungkol dito.

Bakit nga ba di mamatay-matay ang isyung may “something special” sa kanilang dalawa?

Tugon ni Julia, “Kasi, siguro, close talaga kami.

"Hindi lang siya naging close dahil lang sa trabaho, kasi prior nga, lagi naming sinasabi before pa, nagkasama na kami.

“Hindi siya yung parang after work, wala na. May communication pa rin.”

PERFECT BOYFRIEND? Kahit wala pang tuwirang pag-amin mula sa kanila, may naisulat dati na selosa raw si Julia pagdating kay Coco.

Natatawang reaksiyon ng Kapamilya actress, “Bakit ako magdyi-jealous? Hindi po.”

Kahit daw sinong makapareha ni Coco ay walang problema sa kanya.

Sabi ni Julia, “And actually, sabi ko nga, e, bagay sila as love team. Wala dapat ipagselos.”

Hindi rin daw naging problema kay Julia na hindi siya ang leading lady ni Coco sa Ang Probinsyano.

Bago raw ang nasabing proyekto, tatlong beses na silang nagkasama.

Una silang nagkatambal ni Coco sa Kapamilya primetime series na Walang Hanggan noong 2012.

Muli silang nagkasama sa Ikaw Lamang at sequel nitong Ikaw Lamang 2 noong 2014.

Sambit pa ni Julia, “Ang selfish ko naman.”

Sa tingin ba niya, perfect boyfriend si Coco kung sakali?

Sagot ng dalaga, “Maano siya, maalagang tao, mabait, mapagmahal.

"So, kung as a boyfriend, yes."

Sa kanya?

Natatawa niyang tugon, “For sure, sa iba din.”

NEIGHBORS. Magkalapit din lang daw ang bahay nila ni Coco sa isang malaking subdivision sa Quezon City, kaya hindi rin maiwasang mapag-isipan ang closeness nila.

Ngunit paglilinaw ni Julia, “Hindi naman tawid-tawiran lang, ilang streets din. Kapitbahay.”

Paliwanag pa niya kung bakit nasa iisang subdivision lang sila, “Kasi nung time na naghahanap ako ng property, katrabaho ko siya that time.

“Nagtatanong ako kung saan ang mga okay.

"May mga nakita ako, at tatlo sigurong property nakita ko sa Casa Milan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos sabi niya, okay naman, kasi andun siya."

Kung may mga problema raw siya, si Coco ang isa sa mga unang nilalapitan ni Julia.

“Isa po siya. Wala, kasi close talaga kami, e.

"Giving kasi siyang tao, e. Talagang parang ang tawag ko sa kanya, mentor.

“Nung nag-i-start [pa lang ako] sa trabaho, talagang gina-guide niya talaga ako.

"Tsaka ganun siyang tao, e, hindi lang siya sa akin, sa mga nakakatrabaho niya.

"Talagang giving siya, e."

Kahit daw naging busy si Coco sa Ang Probinsyano at iba pang proyekto, napanatili raw nila ang kanilang closeness.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julia sa media conference ng bago niyang teleserye, ang Asintado, sa 9501 Restaurant, ELJ Building ng ABS-CBN, sa Quezon City, kahapon, January 8.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN