Shamaine Buencamino opens up about daughter who suffered from depression and committed suicide

IMAGE Facebook / Instagram (@shamainebuencamino)

Shamaine Buencamino (left) opens up about daughter Julia (right) who committed suicide. As parents, Shamaine and Nonie Buencamino respected their child's space and did not look at her drawings and journal. They were wrong. "Sabi nga nung spiritual adviser ni Nonie, 'It's your responsibility kasi menor de edad pa 'yan. You should really know everything about your child.'"


Nagbalik-tanaw ang aktres na si Shamaine Buencamino sa mga natutunang aral, dalawa't kalahating taon matapos ang trahedyang naganap sa kanilang pamilya. 

July 2015 nang mag-suicide, sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili, si Julia Louise, ang 15-anyos na anak ni Shamaine at ng asawang si Nonie Buencamino.

Na-diagnose si Julia na may depression.

Hindi raw ito nakita ng kanyang mga magulang.

"Wala, unfortunately for us, we were foolish," pagbabahagi ni Shamaine sa guest appearance niya sa episode ng Magandang Buhay ngayong Martes, January 9.

"Ngayon, nasasabi ko in hindsight na parang ang tanga-tanga namin.

"Kasi, akala namin, dahil pinalaki namin silang masayahin, nabigay namin ang lahat ng kailangan nila, okay na."


Stories We Are Tracking

<p>Nonie and Shamaine Buencamino’s daughter commits suic

Nonie and Shamaine Buencamino’s daughter commits suic

<p>Shamaine posts about late daughter's psychological autopsy<

Shamaine posts about late daughter's psychological autopsy<


JULIA'S CONDITION. Borderline Personality Disorder (BPD) umano ang nakita ng doktor na nagsagawa ng psychological autopsy kay Julia.

Pinag-aralan ng doktor ang mga artwork at isinulat sa journal ng dalaga upang ma-interpret ang personality nito.

Ayon sa website ng National Institute of Mental Health (NIMH), ang Borderline Personality Disorder (BPD) ay isang uri ng mental illness, "marked by an ongoing pattern of varying moods, self-image, and behavior."

Ang taong may BPD ay maaaring makaranas ng "intense episodes of anger, depression, and anxiety" na tumatagal ng ilang oras hanggang ilang araw.

Ayon pa sa NIMH, ang isa sa sintomas ng BPD ay mood swings at mabilis na pagbabago ng opinyon tungkol sa ibang tao, kung kaya't nagreresulta ito sa "unstable relationships."

Dugtong ni Shamaine, mahirap tukuyin ang kundisyong ito dahil kaya itong itago ng pasyente.

"I think, one side of it—that’s why they call it the invisible illness—kasi any person who’s suffering, depression or bipolar, they can hide it, e. Parang normal lang."

Marami rin umano sa mga nakararanas nito ay high achievers pa sa school at trabaho, at itinatago ang kanilang kundisyon dahil sa stigma o sa takot mahusgahan ng publiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinaliwanag ni Shamaine na hindi nila tiningnan ang mga artwork at journal ni Julia dahil may rule sa kanilang bahay na huwag pakialaman ang mga personal na bagay.  

"So, may parang... may written rule na you can’t look.

"So, parang ganun yung ginawa namin sa kanila.

"Kahit na nandun lang yung diary ni Julia, hindi ko tinitingnan."

Maaaring natukoy raw sana niya ang pinagdadaanan ng anak kung sinilip niya ang mga artwork at journal nito.

Payo ni Shamaine sa mga magulang, tingnan ang mga ginagawa ng mga anak, gaya ng drawings o isinusulat sa journal.

"Sabi nga nung spiritual adviser ni Nonie, 'It’s your responsibility kasi menor de edad pa 'yan. You should really know everything about your child.'"

Kailangan lang daw maging creative upang hindi malaman ng bata na tinitingnan ang kanilang personal na gamit.

Kung nalaman lang daw niya ang dinadala ng anak ay posibleng nailigtas pa nila ito.

Sabi ni Shamaine, "Sana alam ko.

"Sana alam ko na meron siyang ganung dinaramdam para natulungan namin siya, para nadala namin siya sa doctor.

"Sana nagamot pa siya."

DEPRESSION IS MORE THAN BEING SAD. Paglilinaw pa ni Shamaine, hindi lang simpleng lungkot ang naramdaman ni Julia.

"We’re not talking about sadness, ha, sadness comes and goes.

"It’s normal to be sad.

"Pag sinabing depression, may time frame 'yan: two weeks, more than two weeks, na malungkot ka, na hindi nawawala yung bigat, yung lungkot mo, punta ka na ng doctor.

"Two weeks 'yan na dire-diretso.

"Kasi, after a time, dinadala mo 'yan, mamaya hindi ka na nakakakain.

"Di ka na nakakagalaw, ni pagligo, di ka na makaligo. Paggising mo pa lang, tunganga ka pa lang.

"A lot of people think lungkot lang siya."

May sinabi pa si Shamaine na maaaring ikagulat ng marami: na ang taong lulong sa depression ay hindi nakakaramdam ng matinding emosyon, kundi walang nararamdamang anuman.

"Ang depression, most of it, wala kang nararamdaman," ayon kay Shamaine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Di ka nakakaramdam ng lungkot, di na nakakaramdam ng saya, wala kang nararamdaman.

"Tapos may konti kang sadness, may konti kang galit.

"May konti kang tampo sa mundo or feeling of being small or unworthy, pero malaki ang portion na wala ka lang talagang nararamdaman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN