Erik Santos on Angeline Quinto: "Magkaibigan talaga kami."

IMAGE Instagram @loveangelinequinto

Erik Santos on being friends with Angeline Quinto despite thwarted romance: "Until now, kahit na anupaman yung mangyari or nangyari or whatever will happen in the future, I know that our friendship will always be there."


Nilinaw ni Erik Santos, 35, na mas nanaig ang pagiging magkaibigan nila ni Angeline Quinto, 28, kaysa sa napabalitang naudlot nilang relasyon.

Kaugnay ito ng kanilang litrato kung saan makikitang masaya silang nagdiwang ng Pasko sa New York.

Tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), hindi ba sila nagkailangan doon?

Sagot ni Erik, “Hindi naman, kasi ever since, talagang magkaibigan talaga kami.

“Until now, kahit na anupaman yung mangyari or nangyari or whatever will happen in the future, I know that our friendship will always be there.”

Kuwento pa ni Erik, “Masaya kami dahil na-sold out yung concert namin sa New York with Morisette [Amon].

“We got to spend Christmas with friends…

“Medyo malungkot lang because we’re away from our families, pero it’s a different experience.

“Para ma-experience naman namin yung white Christmas.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ABS-CBN News Online si Erik pagkatapos ng presscon ng #paMore, ang Valentine concert nila nina Regine Velasquez, Martin Nievera, at Ogie Alcasid.

Ginanap ang presscon sa Seda Hotel sa Quezon City kahapon, January 8.

Hindi maiwasang maugnay sina Erik at Angeline dahil minsan silang naging “exclusively dating,” hanggang sa bigla na lang naudlot ang pagkakamabutihan nila noon.


Stories We Are Tracking

Erik Santos on why he stops talking about Angeline Quinto
Erik Santos on why he stops talking about Angeline Quinto
<p>Angeline not ready to have a relationship with Erik</p>

Angeline not ready to have a relationship with Erik

Angeline reveals why romance with Erik did not blossom
Angeline reveals why romance with Erik did not blossom

Pero hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang panunukso kina Erik at Angeline sa tuwing nagkakasama sila sa ABS-CBN shows.

DECEMBER 2017 ON ASAP. Naungkat ditong special mention si Angeline sa speech ni Erik nang kinilala ang talent ng huli sa musika sa ABS-CBN variety show na ASAP noong December 10, 2017.

Bakit niya sinabihan ng “I love you” si Angeline noon?

Sagot ni Erik, “Almost all the people that I thanked, I said I love you.

“Pero totoo naman, she has been my singing partner for five years now.

"For me, isa siya siyang malaking bahagi ng aking karera."

NOVEMBER 2017 ON I CAN SEE YOUR VOICE. Natawa naman si Erik nang ipaalala ng PEP.ph ang panunukso kay Angeline, na na-speechless nang mag-guest ang binata sa ABS-CBN game show na I Can See Your Voice noong November 19.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hirit ni Erik, “Poging-pogi kasi sa akin yun, e! Gwapong-gwapo sa akin si Angeline!

“Pag magkakasama talaga kami, especially on tours or kahit sa ASAP, ang gulo namin.”

Pero paglilinaw ulit ni Erik, “May mga bagay kasi talaga na hanggang ganun na lang.

“So, kung anuman yun, kung anuman yung nangyari in the past, kung ano man yung mangyari in the future, may mga bagay na kini-keep lang namin.”

OCTOBER 2017 ON I CAN SEE YOUR VOICE. Sa hiwalay na episode ng I Can See Your Voice noong October 15, pahapyaw na naalala ni Angeline ang tungkol sa naunsiyaming relasyon nila ni Erik.

Komento ni Angeline, "Ewan ko ba kay Erik! Wala, pinili niya yung career. E, di career!"

Kaugnay nito, tinanong ng PEP.ph si Erik na hindi kaya umasa si Angeline na matuloy sa relasyon ang pagkakamabutihan nila noon?

Nakangiting komento ng singer, "Alam niyo, masasagot niya rin 'yan. Tanungin niyo rin siya."

Sa huli, iginiit ng binata na pinahahalagahan niya ang pinagsamahan nila ni Angeline.

Saad ni Erik, "Kung anuman ang challenges na dumating sa buhay namin bilang single people at bilang magkaibigan, napagdaanan namin 'yang challenges na 'yan because we always go back to our root—which is a good and intact friendship."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN