Sylvia Sanchez recalls calling out younger star for snubbing co-stars

IMAGE Noel Orsal

Sylvia Sanchez recalls an incident where she told a young star to greet co-stars as a sign of respect. She explains, "Kung hindi ka babati, mas nakakahiya na papasok ka lang hindi ka babati. Kahit hindi ka bumati, mag-smile ka lang."


Umamin si Sylvia Sanchez na may kinumpronta siyang young star para sabihan itong gumalang at bumati sa mga nakatatandang kasamahan sa project.

Ngunit hindi na ito pinangalanan ni Sylvia.

"Ayoko na," pagtanggi ng award-winning actress.

"Kung sino yun, huwag na, sa akin na lang yun.

"Pero sinabihan ko yung bata na 'Wag ganyan,' kasi downfall yun.

"Hindi rason sa akin yung pag dumadating ka sa set na hindi ka babati kasi nahihiya ka.

"Lalo na... huwag na sa akin, sa mga senior stars na lang. Na-experience ko 'yan, e.

"Bullshit 'yan sa akin," sabi ni Sylvia tungkol sa hindi pagbati ng young stars sa senior stars.

Paliwanag ni Sylvia, tanda ng paggalang ang pagbati sa co-stars, lalo na sa mga nakatatandang artista.

"Anong mas nakakahiya? Dumating ka sa set, mag-hi, hello ka sa lahat. Ngayon, kung nag-hi ka sa set at hindi ka pinansin, so what?

"Hindi mo kawalan yun, kawalan niya yun.

"At I’m sure, masasabi [nila] isang araw na 'Ay, respectful 'yang batang 'yan.'

"Ngayon, kung hindi ka babati, mas nakakahiya na papasok ka lang, hindi ka babati.

"Kahit hindi ka bumati, mag-smile ka lang.

"Or yung dahil sa kahihiyan mo pumasok ka, wala kang pinapansin? Saan ka doon?

"Di ba, mas nakakahiya na hindi ka man lang babati?"

Sabi ni Sylvia, wala naman siyang pinapatamaang partikular na batang artista.

"Wala akong tinitira na kung sinumang tao.

"Para itong leksiyon sa lahat.

"Kasi hiningan ako ng advice, e. Etong kaya kong i-advice.

"Kasi, kaming mga senior stars talaga or yung mga mas senior pa sa akin, ganun ang mga nagiging usapan namin.

"Saka meron kaming mga… naririnig ko, ha, 'Alam mo, respectful si ganito. Naku, si ganito, ganyan!'

"Yung respeto lang [ibigay]."

CO-STARS AS FAMILY. Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sylvia matapos ang presscon proper ng Mama's Girl, ang pelikulang idinirehe ni Connie Macatuno at pinagbibidahan din nina Sofia Andres at Diego Loyzaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginanap ang presscon ng Regal Films-produced movie noong Sabado, January 6, sa 38 Valencia Events Place, na pag-aari ng Regal matriarch na si Lily Monteverde at anak na si Roselle Monteverde-Teo.

Walang reklamo si Sylvia kina Sofia at Diego kung respeto sa mga nakakasama nitong senior stars na gaya niya ang pag-uusapan.

Pagbibida pa ni Sylvia, "Mabait silang dalawa.

"Kasi kung hindi mabait, like si Sofia, hindi ko siya isasama sa Cebu.

"Hindi siya isasama ng pamilya ko kung hindi siya mabait.

"Nagpunta kami nitong nakaraang December."

Kapansin-pansing halos lahat ng younger stars na nakakasama at nakakaeksena nang madalas ni Sylvia ay nagiging malapit sa kanya.

Isa na rito si JM Ibañez, ang batang aktor na gumanap bilang anak ni Aiza Seguerra sa daytime soap na Be Careful With My Heart, kung saan lumabas din si Sylvia.

Kuwento ng aktres, "Naging sobrang malapit sa akin.

"Until now, every weekend, natutulog sa bahay ko. Naging close ko yung bata.

"Tapos si Aiza, meron akong after ng mga shows ko, meron akong nagiging close, nagiging pamilya."

Dagdag niya, "Isa yung blessing at pamana sa akin sa mga shows na ginawa ko.

"Sa Ningning naman, si Jana [Agoncillo], yung si Ningning mismo.

"Sina Ketchup [Eusebio], si Vandolph [Quizon]...

"Sa Greatest Love naman, meron din akong mga anak-anakan ko doon, like si Matt [Evans], si Joshua [Garcia].

"Yun, talagang 'Mommy' hanggang ngayon ang tawag sa akin.

"Yung ngayon naman, sa Hanggang Saan, mukhang ang napapalapit sa akin si Yvette, si Sue Ramirez."

Si Sue ay katambal ng tunay na anak niyang si Arjo Atayde sa show.

KIDS IN SHOWBIZ. Tuluyan nang niyakap ng mga anak ni Sylvia na sina Arjo at Ria Atayde ang showbiz, isang bagay na ipinagmamalaki ng aktres, lalo’t favorable lahat ang mga naririnig niyang papuri sa dalawa mula sa mga nakakatrabaho ng mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Komento ni Sylvia, "Eto, totoo ito, laging ang sinasabi sa akin, unang comment, 'Uy, alam mo, ang gagaling ng mga anak mo.'

"Siyempre, nakaka-proud yun.

"Laging dinadasal ko lang na, 'Lord, kahit hindi magaling-magaling, kahit magaling lang, basta hindi bobo umarte.'

"E, ipinakita naman sa akin ng Diyos na magaling naman sila. Thank you, Lord.

"Kasi yung expectations na hiningi ko sa Kanya, sinobrahan pa ng Diyos.

"At higit sa lahat na sinasabing magaling ang mga anak ko, pero walang kasing-saya na sinasabihan ako na respectful ang mga anak ko.

"Fulfillment yun para sa isang katulad ko.

"Sinasabihan ko rin sila pagdating sa pakikisama.

"Minsan sinasabi ni Ria na, 'Mom, nakasimangot siya, natatakot kami.'

"'Naku, wag kang matakot, wag kayong padadaig sa takot, wag kayong padadaig sa hiya. Kasi kung padadaig kayo, kayo rin naman ang loser.'"

Pinapayuhan daw niya ang mga anak kung nagsasabi ito sa kanyang nahihiyang lumapit sa ibang artista. 

Dagdag pa ni Sylvia, "[Nagsasabi sila] 'Like, Mommy, pag pinansin namin at hindi kami pinansin?'

"'Okey lang, kahit hindi ka pansinin, hi-hello lang.

"'Hindi naman kailangang makipag-usap. After nun, umalis ka na.

"'Pero maniwala ka, tatandaan ka nun.

"'Alam nun kung sino yung ganun. Nag-uusap kami ng mga seniors [na artista] kaya alam ko.'"

Pasalamat naman ni Sylvia na sinusunod nina Arjo at Ria ang kanyang mga payo.

"Tungkol naman sa mga anak ko, naririnig ko yun [mga comments na] marespeto ang mga anak ko. Trophy ko yun."

Si Ria ay nagtapos ng kursong Mass Communications, samantalang isang taon na lang si Arjo bago ito magtapos sa kolehiyo.

Wala raw problema kay Sylvia kung parehong pag-aartista ang pinasok na career ng kanyang mga anak.

Saad niya, "Wala akong magawa, kasi gusto ko man sila... si Ria, nag-aral sa abroad, di ba? Nag-Spain na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Arjo, pinag-aral namin, pero mas malakas talaga ang hatak ng showbiz, e.

"Anong magagawa ko? Kaysa naman hindi sila maging masaya sa ipipilit ko.

"At saka baka isang araw, mag-rebelde, mag-adik pa yan.

"Kung ano ang gusto niyo suportado ko kayo basta make sure ayusin niyo, mahalin niyo.

"Like sa showbiz, respeto sa lahat, huwag mayabang.

"Saka dapat pumunta ka sa showbiz hindi para sumikat.

"I mean, gusto mong sumikat, makilala, pero dapat hindi ganun na, 'A, showbiz ako, dapat sumikat ako.'

"Kasi walang kahihinatnan.

"Nandito ka sa showbiz dahil, 'Talent ko 'to, passion ko 'to. Kasi ito ang craft ko, ito ang field ko.'

"Dapat ganun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN