Jaycee Parker on good terms with Isabel Granada's son; defends partner Jericho Aguas against bashers

IMAGE Jaycee Parker Instagram

Jaycee Parker on Isabel Granada's son, Hubert: "Sinabi ko sa kanya, 'Hubert, I am not trying to replace your mom. I am just here as your tita. I am here as your friend o pag kailangan mo ng kausap.'" Jaycee is the current partner of Isabel's ex-husband, Jericho Aguas.


Inamin ni Jaycee Parker na noong una ay hindi sila masyadong close ni Hubert Aguas, ang 14-anyos na anak ng namayapang aktres na si Isabel Granada sa ex-husband nitong si Jericho "Geryk" Aguas.

Si Jaycee ang kinakasama ngayon ni Jericho, na isang konsehal sa Pampanga.

Pero ayon sa dating Viva Hot Babes member, kalaunan ay nagkahulihan din sila ng loob ni Hubert.

Lahad niya, "Okay kami, as in super duper okay kami.

"'Tita, samahan mo ako sa ganito. Tita, turuan mo naman ako sa ganyan.'

"Pati nga panliligaw, nagtatanong sa akin ‘yan.

"'Tita, paano ba manligaw?'

"Sabihin ko talaga hindi ko alam kasi di naman ako nanliligaw."

Dagdag ni Jaycee, "Saka malaki na si Hubert nung pumasok ako sa buhay nila, nakakaintindi na siya.

"During his birthday last year, minessage ko siya nang heart-to-heart message.

"Sinabi ko sa kanya, 'Hubert, I am not trying to replace your mom.

"'I am just here as your tita. I am here as your friend o pag kailangan mo ng kausap.'

"I think tumatak sa kanya yung message ko na yun, after nun, niyakap niya ako.

"Nag-thank you siya, naging appreciative na siya.

"Before nun kasi, hindi pa niya ako masyadong pinapansin.

"Close kami, pero may wall.

"Pero after nung message ko na yun, naging maayos."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jaycee sa presscon ng mga bagong pelikula ng BG Productions at kaarawan ng talent manager na si Dennis Evangelista sa Marco Polo Hotel, noong Lunes, January 8.

SUPPORTING JERICHO. Marami ang nakapansin sa pagiging supportive at understanding ni Jaycee kay Jericho nang maging tutok ang huli mula nang ma-comatose si Isabel mula pa sa Qatar hanggang sa burol at libing ng aktres dito sa Pilipinas.

Nag-collapse si Isabel habang kausap ang ilan niyang fans sa Doha, Qatar, noong Oktubre 2017, kasama ang kanyang asawang si Arnel Cowley.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang isugod si Isabel sa ospital, napag-alaman na dahil ito sa isang ruptured brain aneurysm.

Na-comatose ang aktres sa loob ng halos dalawang linggo, at pumanaw noong Nobyembre 4.


Stories We Are Tracking

Isabel Granada in coma after collapsing in Doha, Qatar
Isabel Granada in coma after collapsing in Doha, Qatar
Isabel Granada dies at 41
Isabel Granada dies at 41
Body of actress-singer Isabel Granada cremated
Body of actress-singer Isabel Granada cremated

Ayon kay Jaycee, maganda ang relasyon nila ni Isabel kaya hindi naging problema sa kanya ang pagsuporta kay Geryk sa mga kailangan nitong gawin.

"Wala naman kasi kaming problem ni Isa," pagtukoy niya sa palayaw ni Isabel.

"As in very casual [ang relationship]. Sa totoo, napakabait na tao yun.

"As much as I can gusto kong tumulong sa kanila during that time, alam kong it’s very hard, not [just] for Hubert also, but for Jericho din."

Aminado si Jaycee na kahit siya ay natakot sa nangyari sa namayapang aktres, kung kaya’t siya ay nagpa-doktor na rin pagkatapos ng naturang insidente.

Kuwento ni Jaycee, "Oo naman, kasi two weeks bago siya nawala, nasa bahay pa namin siya.

"Sinundo niya si Hubert. Usually nagsasabi 'yan pag susunduin niya si Hubert. 

"Noon, bigla na lang siyang dumating. Nagulat ako sinundo niya si Hubert.

"Actually, dahil sa nangyari kay Isa, nagpatingin nga ako sa doctor.

"Yun palang ganun [brain aneurysm], di mo talaga malalaman kung kailan siya biglang mag-hit. You’re born with it."

Sa pagkakaalam daw ni Jaycee ay nagpatingin na dati si Isabel sa doktor nang dumating ito mula sa Australia.

"Nabanggit niya yun dati, kasi alam ko nagpatingin na dati si Isa.

"Sabi niya, wala naman daw. Nung bagong dating siya from Australia, nagpatingin ‘yan, e.

"2015 or 16 yata, I don’t know kung yun ang pina-check niya, pero alam ko nagpa-check-up siya."

IGNORING BASHERS. Sa kasagsagan ng pagkaka-ospital ni Isabel sa Qatar hanggang sa naiuwi ang mga labi nito sa bansa para iburol at ilibing ay naging visible si Jericho .

Marami naman sa netizens ang nang-bash kay Jericho, at sinabing ginagamit ang dating asawa para sa political career nito bilang konsehal sa Pampanga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre nalungkot ako," sabi ni Jaycee tungkol sa nangyari.

"Siguro hindi lahat ng tao naiintindihan kung ano ang pinagdaanan nila at kung ano ang pinagsamahan nila for [it to] seem that way.

"Hindi naman basta-basta yung ilang taon [na pagsasama].

"At may anak sila, hindi naiintindihan ng lahat ng tao yun.

"Narinig ko rin yun [mga akusasyon], pero hindi.

"You have to know him personally para malaman mo na ganun talaga siyang tipo ng tao.

"Very emotional siya. He’s a Pisces so very emotional siya.

"Ganun talaga ang ugali niya, not everybody knows that. Hindi naiintindihan ng lahat ng tao yun."

Ano naman ang reaksiyon ni Jericho tungkol dito? Naapektuhan ba siya?

"Affected? Hindi masyado, di na lang niya pinansin.

"Siyempre, wala ka namang magagawa sa iisipin ng ibang tao.

"Na-hurt ako, oo naman, siyempre."

Para na rin makaiwas na malaman pa ang mga below-the-belt na banat kay Geryk sa social media, umiwas na rin muna sila ni Jaycee na mag-online nung mga panahong iyon.

"Di ko siya pinatingin ng cellphone niya.

"Ako, nag-deactivate ako ng Facebook ko, talagang iwas muna sa social media.”

FUTURE WITH GERYK. Tinanong din ng PEP.ph ang dating Viva Hot Babes member tungkol sa estado ng relasyon nila ni Jericho.

May balak na ba silang pakasal at magkaroon na rin ng sariling anak?

Tugon ni Jaycee, "Okay naman, we’re okay.

"Okay kami [ni Jericho], okay [din] kami ni Hubert.

"Kasal? Ay, naku, masyado pang maaga para diyan. Parang di pa talaga possible.

"Magti-three years na kami, baby wala pa. 

"Pero maybe, kasi 32 na ako, may edad na ako.

"Pero di pa talaga siya yung pinag-uusapan.

"More on building career, planning for the future.

"Hindi na ako ganun ka-active sa showbiz so I have to find other things to make my own money.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, ganun muna ang ginagawa ko bago ako mag-settle down."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN