Sef Cadayona chooses to stay single in 2018: "This year, ako muna."

IMAGE Noel Orsal

Sef Cadayona is happy that haters have stopped bashing him, "Happy na finally it all ended."


Masaya raw ang naging pagsalubong ni Sef Cadayona sa bagong taon dahil nawala ang hate messages sa kanya bago magtapos ang 2017.

Sa press conference ng bagong fantasy series ng GMA Network, ang Sirkus, ngayong Martes ng tanghali, January 9, kinumusta ng entertainment reporters ang aktor kung nakakatanggap pa siya ng pamba-bash sa social media.

Tugon niya, “It's a new year. It's a new year. Tapos na, wala na.

“Tingnan na lang natin kung anong mangyayari sa akin ngayong taon na 'to.” 

Patuloy ni Sef, “Just to add, dun sa year na nitong last year, in fairness, marami naman akong natutunan dun.

“Marami akong pabaon na makilala ko yung sarili ko ngayong 2018.”

Noong 2017 ay nakatikim ng matinding pamba-bash si Sef dahil sa pagkaka-link niya sa phenomenal star na si Maine Mendoza, na kilala bilang ka-love team ni Alden Richards.

Sef Cadayona, nalagpasan na ba ang panahon ng pamba-bash sa kanya?

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

Sa hiwalay na panayam kay Sef matapos ang presscon proper, sabi niya, “Before Christmas, parang wala na kaya happy.

"Happy na finally it all ended, sila rin naman... Happy Christmas.”

Bago matapos ang taon, nagpagtuunan naman ng galit ng ilang AlDub fans ang isa pang nali-link kay Maine na si Jake Ejercito.


Stories We Are Tracking

Jake Ejercito denies dating Maine Mendoza
Jake Ejercito denies dating Maine Mendoza
Jake Ejercito reiterates Maine Mendoza
Jake Ejercito reiterates Maine Mendoza "is just a friend"

Ito marahil ang dahilan kaya nabawasan o nawala na ang pamba-bash kay Sef ng fans.

Pero tila ayaw magbigay ni Sef ng komento tungkol dito.

Sa halip, aniya, “Hindi ko naman siya natrato na ganun. Pero para sa akin, I just go by with myself.

“Kumbaga, naka-black out na 'yan ever since sa akin.

“So, kung anuman yung nangyaring news about whatsoever, hindi ko na siya napapansin.

"I'm just happy na masayang-masaya ang Pasko ko."

Muli rin nilinaw ng komedyante na wala silang anumang naging espesyal na relasyon ni Maine. Kaya imposible ang balitang nag-break na sila ng Eat Bulaga! host.

“Hindi naman kami nag-break kasi hindi naman kami!” natatawang sagot ni Sef.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos ay seryoso niyang sinabi, “Wala pong nangyaring kahit ano, just to clear it out again and again and again. Wala pong ganun.”

Paglilinaw pa niya sa relasyon nila ng 22-year-old celebrity, “Friends po kami.”

“AKO MUNA.” Sa ngayon, single daw si Sef at tila nais niyang manatiling ganito ngayong taon.

Katuwiran niya, “Wala pa sa intensiyon ko. Siguro ako muna.

“This year, ako muna. Let's see how it goes. I'm happy with myself.”

Bunsod ba ito ng natanggap niyang pamba-bash noong nakaraang taon?

Sagot ni Sef, “Siguro naging factor din yun.

"Pero para sa akin, if ever na magkakaroon ako ng magiging partner, na makakasama ko, happy lang, walang negative vibes or anything.

“Kaya ngayon, sisimulan ko na sarili ko muna.”

Sabi pa niya sa huli, “Tingnan natin kung ano ang mangyayari sa akin ngayong 2018.

“I'm actually very excited kung ano ang mangyayari sa work ko, sa mga plano ko sa trabaho para sa future life ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN