Shaina Magdayao refuses to comment on soon-to-be-dad John Lloyd Cruz: "May value ba ang comment ko?"

IMAGE Noel Orsal

Umiwas si Shaina Magdayao magkomento sa balitang malapit nang maging ama ang ex-boyfriend niyang si John Lloyd Cruz. Wala raw kasi halaga ang komento niya, kaya sabi nito, "Huwag na tayo kumoment."


Sa edad na 28, nananatiling single si Shaina Magdayao.

Sa pagkakaalam ng publiko, ang huling boyfriend niya ay si John Lloyd Cruz.

Bagamat naging usap-usapan ang pagkakaugnay ni Shaina kay Piolo Pascual, walang malinaw na sagot mula sa dalawa kung ano ang totoong namamagitan sa kanila.

Pero ano ba ang hinahanap ngayon ni Shaina sa isang lalaki?

Tugon ng 28-year-old actress, “Siguro, when I was younger may mga ideals ka pa. Ngayon, wala na.

“Someone who will love my family, respect my family, matino, and may takot sa Diyos. That’s it.”

Hindi na ba nagma-matter sa kanya ngayon ang looks ng lalaki na posible niyang maging boyfriend?

Nakangiting sagot ni Shaina, “Oo, wala na.

"Siyempre, nung bagets ka gusto mo ganito, ito ideal ko. Ngayon, hindi na.

“Wala namang perfect sa mundo. Even I, I am not perfect.

"So, I’m not looking for a perfect person, just the perfect timing."

Hindi na rin daw mahalaga ang edad, maski mas bata o mas may edad pa sa kanya.

Saad niya, “Doesn’t matter, doesn’t matter.

"Actually, basta mamahalin... actually, more than ako, mamahalin ang pamilya ko."

Samantala, umiwas naman si Shaina magkomento sa balitang malapit nang maging ama si John Lloyd sa girlfriend nitong si Ellen Adarna.

Pabiro pa niyang sagot, “Uy, ano ba? May value ba ang comment ko?

"Wala naman, kaya huwag na tayo kumoment.

“Wala namang value.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Shaina sa media conference ng bagong afternoon drama series ng ABS-CBN, ang Asintado, kahapon, January 8.

Bukod kay Shaina, kasama rin sa cast sina Julia Montes, Paulo Avelino, Aljur Abrenica, Cherry Picache, at Lorna Tolentino.

Mapapanood ito simula sa Lunes, January 15, sa Kapamilya Gold.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN