Judy Ann Santos admits losing confidence in herself as an actress the last few years

IMAGE Noel Orsal

Aminado si Judy Ann Santos na nawalan siya ng confidence sa sarili bilang aktres nitong mga nakaraang taon. Kaya daw humingi siya ng assurance sa kanyang mga katrabaho kung tama ba ang kanyang ginagawa. 


Nakaramdam daw ng takot si Judy Ann Santos sa kanyang comeback film na Ang Dalawang Mrs. Reyes.

Taong 2016 pa ang huling pelikula ni Judy Ann, ang Kusina.

Masyado raw kasing mabibigat na drama ang mga nakaraang pelikula niya, pagkatapos ay sumabak siya ngayon sa komedya. 

Kasama pa niya ang magaling sa comedy na si Angelica Panganiban kaya nadagdagan pa raw ang kanyang kaba.

Panimulang kuwento ni Judy Ann, "Natakot. Kung sa takot, natakot.

"In fact, after the third shooting day, I had to talk to sila Direk Jun [Lana] and the rest of the production team to ask if okay ba yung trabaho ko, may kulang ba?

Dagdag niya, "Ano pa bang dapat kong gawin?

"Ganun ako hindi ka-confident sa trabaho ko.

"I had to, I needed that assurance na itawid yung ginawa kong punchlines.

"Kasi ang tahimik sa set, e, 'tapos yung ilaw hindi mainit.

"Hindi ako sanay.”

Ayon pa kay Judy Ann, nanibago raw siya sa takbo ng paggawa ng mga mainstream films ngayon.

"Ang dami na talaga nagbago," aniya.

"'Tapos, hindi maingay yung crew, hindi maingay yung staff, yung parang ako lang yung nandun.

"Hindi na talaga ako sanay, 'Pelikula ba to?' 'Panaginip ata ito.'

"It took some time bago ako kumalma.

"Ganun ako kawalang confidence sa trabaho ko at all, sa sarili ko, sa trabaho ko as an actress.

"Feeling mo you just lost it and ikaw yung bagong luma sa grupo kasi lahat andun, e. 

"'Tapos ikaw biglang pinasok sa kumukulong tubig na hitik na hitik sa experience."

Ngunit kalaunan ay natuto na ring makipagsabayan ni Juday, na siyang palayaw ni Judy Ann.

"Pero na-enjoy ko yung bagong proseso because ang motivation ko is to learn and to challenge myself, and I guess I’m about to reach my finish line."

Bakit niya naisipang comedy ang gawing comeback sa pelikula?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, "Kasi yung ginawa ko for the past na mga pelikula na mga indie, lahat mabigat. 

"Gusto ko ng something refreshing, and 2017 for me was such a roller-coaster ride.

"Gusto ko ng change. Ang daming nawala, ang dami kong kailangang harapin.

"I needed something refreshing, at ito yun. I prayed hard [for this]."

Nakausap ng media, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), si Judy Ann sa grand media launch ng pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes kahapon, January 9, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Kasamang humarap ni Juday sa press ang iba pang cast, kabilang na si Angelica, Joross Gamboa, Carmi Martin, Nico Antonio, at JC De Vera.


SURE ABOUT RYAN’S GENDER. Sa kuwento ng Ang Dalawang Mrs. Reyes, matutuklasan ng dalawang Mrs. Reyes, played by Judy Ann and Angelica, na may relasyong namamagitan sa  kanilang mga mister, na ginampanan nina Joross at JC.

Magkapareho ang apelyido, ngunit hindi magkamag-anak ang dalawang Mr. Reyes.

Paano kung matukalasan ni Judy Ann na ang asawang si Ryan Agoncillo ay may itinatago palang relasyon sa totoong buhay?

Natatawang sagot nito, “Para siguro kung ano yung ginawa ni Mrs. Reyes, matitigalgal muna ako ng mga three days bago ako simulang maghalungkat ng ebidensiya.

“Kasi sa realidad, tatanungin mo yung sarili mo kung totoo ba 'to? O, panaginip lang ata.

“Nangyayari talaga siya. Kung sa totoong buhay 'to nangyayari, ipa-punchline mo rin siguro ang buhay mo, kasi there’s no way out, e.

"Bago ka makawala, masasaktan ka muna.”

Pagmamalaki pa niya kay Ryan sa tanong kung may gay tendencies din ba ito, “Walang-wala. My God.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN