Kapuso actress Ryza Cenon inspired by Kapamilya actress Jodi Sta. Maria

IMAGE Noel Orsal

Ryza Cenon on other celebrities who seemed to have given up: "Huwag silang mag-give up, huwag silang mag-quit, huwag silang mag-question na bakit ito. Mismo yung blessing ang lalapit o yung break."


Pagkatapos ng 12 taon sa showbiz, ngayon lang nabigyan ng pagkakataong maging bida sa isang mainstream movie ang Kapuso actress na si Ryza Cenon.

Ito ay sa pamamagitan ng pelikulang Mr. & Mrs. Cruz ng Viva Films, kung saan katambal niya si JC Santos.

“Yes po. Sa 12 years ko po, ngayon lang po ako nakagawa ng pelikula.

"And may pressure for me kasi hindi ko alam yung process," paliwanag ng Ultimate Female Survivor ng StarStruck 2.

Hindi ito talaga ang unang pelikula ni Ryza, pero supporting roles ang papel niya sa mga ito: Lovestruck (2005), Puso 3 (2006), Migrante (2012), Diyos-Diyosan (2016), at Enteng Kabisote and the Abangers (2016),

Nagbida na rin siya sa Ang Manananggal sa Unit 23B noong 2016, pero isa itong indie movie.

Pahayag pa ni Ryza, “Masaya, sobrang blessed ako na unti-unti ko siyang nakukuha.

"I know it’s late. Kasi I’m 30 na, kaya I think it's late na rin."

Kaya naman peg daw niya ang 35-year-old Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria, na late na rin nabigyan ng lead roles.

Saad ng Kapuso actress, “Peg ko pa rin talaga si Ate Jodi, e.

"Nakita ko kay Ate Jodi yung career, nagkaroon ako ng chance.

"Parang siya yung nagbigay ng hope sa akin na may pag-asa pa ako, and this is it."

Mensahe pa ni Ryza sa mga naiinip na mabigyan ng break sa showbiz:

“Huwag silang mag-give up, huwag silang mag-quit, huwag silang mag-question na bakit ito.

“Mismo yung blessing ang lalapit o yung break.

"Basta mapatapat lang ang tamang role sa kanila na kaya nilang gawin at mailalabas nila yung talent nila, dun sila mapapansin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryza sa press conference ng Mr. & Mrs. Cruz nitong Martes ng gabi, January 9.

BIG GAMBLE. Alam daw ni Ryza na malaking pakikipagsapalaran nang umalis siya sa poder ng GMA Artist Center, na nag-manage sa kanyang career higit sa isang dekada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iniwan ni Ryza ang talent arm ng Kapuso network noong 2017.

Nasa ilalim na siya ngayon ng pamamahala ng Viva Artists Agency, kung saan mayroon siyang 10-year contract.

“Yes. Kailangan, e. Medyo risky siya.

"Pero kailangan talaga para mas lalo akong mag-move forward," paliwanag niya tungkol sa desisyon paglipat ng talent management.

Pero nananatiling Kapuso si Ryza dahil ongoing pa rin ang pinagbibidahan niyang afternoon teleserye sa GMA-7, ang Ika-6 Na Utos, kung saan kasama niya sina Sunshine Dizon at Gabby Concepcion.

Prayoridad pa rin daw niya ang GMA-7 sa paggawa ng TV projects.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN