Joross Gamboa, JC de Vera confident about sexuality even as they play gay lovers

IMAGE Noel Orsal

JC de Vera (left) on playing a married man who falls in love with another married man (Joross Gamboa, right): "Pwede pala... Pwede kasi! Posible kasi!"


Kinilig sina Joross Gamboa at JC de Vera sa isa’t isa sa pagganap nila bilang dalawang mister na iniwan ang kani-kanyang misis upang pagbigyan ang ibinubulong ng puso at isinisigaw ng katawang lupa.

Magkasama ang dalawang aktor sa pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes ng Star Cinema, kung saan sina Judy Ann Santos at Angelica Panganiban ang gumaganap na mga misis nila.

Lahad ni Joross, “Kailangan naming makaramdam ng kilig para mag-work ang aming ano...”

Walang kiyemeng sambit ng katabi niyang si JC, “Naramdaman namin ang aming chemistry... from the first day!”

Hirit ni Joross without batting an eyelash, “So, ang kilig pala, kahit hindi ka umiihi, pwede kang kiligin!”

Nagsalo ang dalawa sa matamis na halakhakan.

Sinabi noon ni Joross na graduate na siya sa pagba-bading pagkatapos ng 2017 Metro Manila Film Festival entry na Deadma Walking.

Pero heto't bading ulit ang role niya sa kanyang follow-up movie.

Sabi ni Joross, “After ng Deadma Walking, humingi ako ng kanin sa inyo dahil kakainin kong buung-buo lahat ng sinabi ko na hindi na ako magge-gay muna.

“E, eto pa rin. So, itinuloy ko na yung pagrampa.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Joross at JC pagkatapos ng presscon proper ng Ang Dalawang Mrs. Reyes, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, Martes ng hapon, January 9.

TWO MEN IN LOVE. Nahirapan ba si Joross ipakitang in-love siya kay JC?

“Ay! Hindi naman!” bulalas ni Joross.

“Kasi, sa basketball, sa kanya ko laging ipinapasa...” pagdantay ni Joross sa leg ni JC.

“Nagtse-chest bump kami palagi! Yung ball ko, ipinapasa ko sa kanya!”

Napahalakhak lang si Joross nang pansinin naming panay ang pisil niya sa iba’t ibang bahagi ng katawan ni JC.

Sabi pa ng Star Circle Quest alumnus, “Kapag sa court, banggaan kami! Kapag dito, ang lambing!”

Buti, may asawa siya?

“Ayun nga, e! Binubura na lang niya pag-uwi ko!” tawa na naman ni Joross.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Poker-faced namang sundot ni JC, “Ganyang-ganyan din, e! May asawa siya, tapos na-attract siya sa lalaki!”

Ang tinutukoy ni JC ay ang roles nila sa pelikula.

Lalong natawa si Joross.

Pagpapatuloy ni JC na natatawa na rin, “Pwede pala... Pwede kasi! Posible kasi!”

Sambot ng tumatawang si Joross, “Ogie Diaz ang peg natin!”

Si Ogie Diaz, isang gay talent manager at comedian, ay may asawa't mga anak.

Si JC ba, pwede rin sa lalaki?

“A, confident ako. Straight guy ako,” kampanteng sagot niya.

Confident ding susog ni Joross, “Hetero-ano ako... hetero... Ha! Ha! Ha! Ha!”

“Straight guy ako,” usal pa ni JC.

Talaga lang, ha? Hintayin natin na maging closer sila sa isa’t isa...

“Matagal na kaming magkaibigan,” kuda ni Joross na nanlalaki ang mga mata.

Seryosong lahad ni JC, “Kaya siguro mas naging madali sa amin na gawin yung role, confident kami sa sarili namin, at kaya na namin siyang laruin.

“Siguro mas mag-iiba ang timpla kung merong isa sa amin na...”

Sambot muli ni Joross, “Ahh... madala. Kapag kissing scene, biglang hahawak sa batok!”

“Biglang pumisil!” pakli ni JC.

Nahulog ang hawak na cellphone ni Joross.

May na-arouse ba sa kanila sa lambingan/landian scenes nila?

“Buti naman, wala!” mabilis na sagot ni Joross.

GAY PRIDE MARCH. Kumusta yung shoot nila ng Gay Pride March sa Taiwan, kung saan pinisil-pisil sila roon ng mga bading?

Kuwento ni Joross habang itinuturo si JC, “Pinagnasaan talaga siya! Naka-six pack naman kasi siya!

"Yung mga nagpapa-picture sa kanya, hawak-hawak ang puwet niya!

"Nagsasalita siya habang nagpapa-picture kami, ‘Guys, hawak na ang puwet ko ngayon!’

"Hindi naman nakakaintindi ng Tagalog yung mga nagpapa-picture.

“Tawa kami nang tawa nina Angge [Angelica Panganiban].

“E, ako kasi, mujer na babae ako. Pa-picture lang sila.”

“Smelly!” nakangiting sabi ni JC. “Smelly daw ako, e. ‘Lalaki ‘to!’ Ha! Ha! Ha! Ha!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bortalicious construction worker ang peg ni JC sa LGBT Parade, samantalang naka-gown at todo make-up si Joross.

So, si JC ang top at si Joross ang bottom o pa-joross?

“Depende naman kasi,” sagot agad-agad ni Joross.

“Depende sa spooning... Spooning!” tawa pa niya.

Pagsang-ayon naman ni JC, “Depende kung saan mapunta....”

“Sa billiards table or ano. Ha! Ha! Ha! Ha!” lalong inihit sa paghagalpak si Joross.

“Hetero-flexible! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Maigting na rin ang halakhak ni JC, “Mas niya sa rocking chair! Ha! Ha! Ha! Ha!”

“Sa rocking chair! Ha! Ha! Ha! Ha!” pag-alingawngaw ni Joross. “Iba na ang pinag-uusapan natin!”

Tumigil na kami sa pagtatanong at baka mapasubo kami sa kung ano pang usapan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN