Mikoy Morales admits getting hurt by lack of "big artista break" in the past

IMAGE Noel Orsal

"After a while, kapag nalaman mo na talaga kung ano ang gusto mong gawin sa industriya na 'to, you don't go for the specific things anymore, mas opportunity na lang siya sa akin," says Mikoy Morales on waiting for a big break in his showbiz career.


Aminado si Mikoy Morales na nagtampo siya nang hindi pa siya nabibigyan ng anumang proyektong maituturing na big break para sa kanyang showbiz career.

Simula nang matapos ang 2012 reality talent search show na Protégé: The Battle For The Big Artista Break, kung saan isa sa mga runner-up si Mikoy, hindi pa gumanap ng lead role ang 24-year-old Kapuso actor-singer sa isang teleserye.

“Within those three years na nagdaan, na-realize ko rin na...

"Siyempre, dati masakit, dati may tampo, parang wala akong nakukuhang work.

"Oo, masakit yun, totoo," pag-amin ni Mikoy sa press conference ng bagong weekly fantasy series na Sirkus, na ginanap kahapon, January 9.

Sina Mikoy at Mikee Quintos ang bida sa Sirkus.

Gayunman, hindi raw niya ito itinuturing na big break ang pagbibida niya ngayon.

Sabi niya, “It doesn't feel like that. Parang feeling ko, hindi siya break.”

Ayon pa kay Mikoy, sa ilang taon niyang paghihintay ng malaking proyekto, mas nakilala niya ang sarili.

Nakatulong daw ito para alamin kung bakit gusto niyang maging bahagi ng industriya ng showbiz.

“After a while, kapag nalaman mo na talaga kung ano ang gusto mong gawin sa industriya na 'to, you don't go for the specific things anymore, mas opportunity na lang siya sa akin.

“Honestly ngayon, hindi na big break ang hanap ko.

“I just really want good opportunities to do good work and big material.

“Di ba, parang bonus na lang yung everything, yung big roles and everything?

“Everything is just a bonus. Para sa akin, yung material ang habol ko.”

Diin pa niya, “For this show [Sirkus], doon ko masasabi na malaking trust yung ibinigay sa akin ngayon.

“Ngayon na napunta sa akin ang project na 'to, ngayon ko masasabi na I'm ready to do a role like this.

“Parang kaya ko talaga, it's the best timing.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on


“I HOPE I WIN AWARDS.” Sa halip na big break, mas inaasam daw ngayon ni Mikoy ang makatanggap ng mga proyektong mas makapagpapakita ng kanyang talento sa pag-arte.

“At some point, na-realize ko kung saan ko gustong lumugar sa industriya.

“Parang if it comes, then it will come.

“But it's not what I am aspiring for, not specifically the break or biglang pagtaas ng ganun.

“It's more on the recognition, it's more on yung lumalim pa yung relationship ko sa craft ko,” sabi ni Mikoy sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Dahil dito, nais ni Mikoy na mas palawakin pa ang oportunidad na maipakita ang kanyang kakayahan sa pag-arte.

“I hope I win awards, I hope I get the chance to act in really great materials na puwedeng ipanglaban natin sa ibang bansa.

“I wish I could, like, represent our country or a certain members of the society, na maipakita ko lang kung ano yung kuwento nila, yun ang mga ina-aspire ko.”


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN