Beauty Gonzalez to take a short vacation after Pusong Ligaw

IMAGE Nerisa Almo

"Importante sa akin ang pamilya ko, more than anything else," says Beauty Gonzalez about taking a short vacation from showbiz.


Personal na hiniling ni Beauty Gonzalez sa kanyang manager na si Arnold Vegafria na magbakasyon muna sa showbiz pagkatapos ng ABS-CBN drama series na Pusong Ligaw.

Nais daw kasi ng 26-year-old Kapamilya actress na pagtuunan muna ng pansin ang kanyang magdadalawang taong gulang pa lamang na anak na si Olivia.

Pahayag niya, “Ako, pahinga talaga ako.

"I mean, yun talaga ang sinabi ko sa manager ko, I want some time off, kasi para sa anak ko.

“It's been a year since I've been working from Mondays and sometimes to Sundays.

“I think my husband waited for that long na.

“Kailangan ko nang bigyan ng time yung asawa ko muna, so pahinga muna ako.”

Nitong Christmas break, sandaling nakapagbakasyon si Beauty kasama ang kanyang pamilya abroad.

Pero bitin daw ito dahil kinailangang bumalik siya agad sa Pilipinas dahil sa trabaho.

Songs Of Ice And Fire??

A post shared by Christine Gonzalez-Crisologo (@beauty_gonzalez) on

“Kailangan ko ng bakasyon pagkatapos ng bakasyon na yun!” natatawang sabi ni Beauty.

“That was long planned na. Two weeks lang, na-cut short nga because I had to work.

“But it's okay, work is good.

“You know, gusto ko lang bumawi.

“Kailangan ko lang ng bakasyon after that bakasyon kasi lumalaki na ang anak ko, wala kaming yaya that time.

“Parang gusto ko lang mag-relax din.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference para sa finale ng Pusong Ligaw noong Sabado, January 6.

SECOND BABY? Bukod sa kanyang anak, kailangan na rin daw pagtuunan ng pansin ni Beauty ang kanyang mister na si Norman Crisologo.

Aniya, “I need to give time talaga to my husband, hinihingi niya talaga.

“Importante sa akin ang pamilya ko, more than anything else.” 

Hindi kaya sa kanyang pagbabakasyon ay masundan na rin si Baby Olivia?

“Mabuntis? Hindi talaga ako mabubuntis, sigurado 'yan,” mabilis na sagot ng aktres.

Hindi raw ito mangyayari dahil ayaw niya munang mahati ang atensiyon niya kay Baby Olivia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katuwiran ni Beauty, “My baby is still a baby. I need to give her time.

“Kawawa naman if masundan siya agad.

“Hindi ko siya nabigyan ng panahon kasi isang taon din akong nawala.

“Kung magpapabuntis ako, parang ang pabaya ko namang magulang kung ganun, bigla siyang nagkaroon ng kapatid.

“Parang hindi ko man lang siya binigyan ng panahon, so ayaw ko muna.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN