Mark Bautista opens up about love lessons in memoir

IMAGE Mark Bautista Instagram

Mark Bautista on his memoir, Beyond The Mark: "May isang chapter na tinawag ko na parang love lessons or something. Lahat doon, na-narrate ko. Alam mo sa mga interviews ko, never akong nagsalita tungkol sa love life. Andoon din yung mga bagay-bagay. I think, sana ma-embrace nila."


Nag-post na si Mark Bautista sa Instagram ng cover ng kanyang memoir, ang Beyond The Mark, kaya marami ang naniniwalang malapit nang i-release ng VRJ Books Publishing Inc. ang much-anticipated biography niya.

ME #beyondtheMark #2018

A post shared by Mark Bautista (@iammarkbautista) on

Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ni Mark dahil sa kauna-unahang pagkakataon, ibabahagi niya sa publiko ang kanyang personal na buhay.

Pahayag ng 34-year-old singer-actor, "Sa mga dumarating sa buhay mo, may purpose, so I think lahat ng nangyayari sa buhay ko, may purpose lahat.

"Ipinagdarasal ko ito, hinihingi ko yung, 'Lord, tama ba itong ginagawa ko?'

"Even with the release of the book, October 2017 ang gusto ko.

"Pero for some reason, nag-iiba yung schedule, hanggang sa naging January 2018.

"So, nag-let go na lang ako.

"I don’t know kung bakit kung ano yung gusto ko, hindi nangyayari. Baka may reason.

"So, kapag may mga ganoong bagay, hindi ko masyadong pinipilit.

"Mas tinitingnan ko siya na baka may reason kung bakit ganoon."

START OF A NEW JOURNEY. Para kay Mark, isang panibagong journey ang pagbabahagi sa publiko ng kanyang personal na buhay.

"Yes, it’s  the start of a new journey.

"I think, na-tackle ko naman [sa book] yung ups and downs ko, not just in my career, but in my personal life.

"I think may mapupulot sila na aral sa stories na ibinigay ko.

"Ayokong i-assume na, okey, iiyak kayo dito o baka iiyak yung mga tao.

"Gusto ko lang i-share yung totoo, kung ano yung nangyari talaga.

"Bahala na sila mag-interpret.

"Actually, nung natapos ko na siya, para akong mas mabigat yung tanong ko sa sarili: 'Okay, what’s next?'

"Kasi parang naisulat ko lahat ng nangyari, yung past."

LOVE LESSONS. Patuloy ni Mark, "Kapag isina-submit nila sa akin yung lay-out, parang, 'Wait, puwede ba itong baguhin?'

"Lagi akong ganoon, hanggang nag-give up na yung mga nag-e-edit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi nila, ‘Mark, last na ’to.’

"May pinabasa ako na best friend ko, may pinabasa ako na part lang sa isang kaibigan ko.

"Pero sa family ko, wala pang buo talaga. Yung brother ko, nabasa lang yung intro.

"I think importante yun na may ibang tao ka na pababasahin before ilabas para malaman mo yung feedback.

"Kung may tanong sila, baka masagot ng libro."

Maging ang love life daw niya ay tinalakay ni Mark sa libro.

"May isang chapter na tinawag ko na parang love lessons or something.

"Lahat doon, na-narrate ko.

"Alam mo sa mga interviews ko, never akong nagsalita tungkol sa love life.

"Andoon din yung mga bagay-bagay. I think, sana ma-embrace nila."

SONG THAT DEFINES HIM. Ibinahagi rin ni Mark na kung may isa mang awiting maglalarawan sa kanya, ito ay ang "Corner of the Sky" mula sa musical na Pippin.

Lahad niya, "Alam mo, kakarinig ko lang ngayon, may nagparinig sa akin, kantahin ko raw.

"Tapos nung nalaman ko yung lyrics ng 'Corner of the Sky,' parang sakto.

"Kapag kinanta ko, may meaning na.

"Hindi ko nga alam kung mangyayari kapag nag-launch ng book... kapag album, puwede akong kumanta.

"Sabi ko nga, 'Puwede ba siyang i-release na lang? After ilang months, saka na lang ako mag-promote.'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN