James Reid and Nadine Lustre "more comfortable now" with their relationship

IMAGE Noel Orsal

James Reid explains why he and girlfriend Nadine Lustre were tight-lipped about their relationship in the past. 


Mas relaxed na raw si James Reid sa relasyon nila ng ka-love team at real-life girlfriend na si Nadine Lustre pagkalipas ng dalawang taon.

Mas open na kasi ngayon ang dalawang magsalita tungkol sa kanilang relasyon, kumpara noon na pareho silang matipid sumagot sa tuwing matatanong ng press tungkol sa kanilang love life.

“We’re definitely more comfortable now, especially this time,” sabi ni James sa press conference ng kanilang upcoming concert, Revolution: The JaDine Concert, na gaganapin sa Araneta Coliseum sa February 9.  

Ginanap ang presscon sa Le Reve Pool and Events Place sa Quezon City noong Biyernes, January 5.

Sa kanilang major concert noong February 2016, ibinunyag ni James ang relasyon nila ni Nadine.

Inamin ng Fil-Australian actor-singer ang dahilan kung bakit maingat sila ni Nadine sa simula ng kanilang relasyon.

“We and Nadine gave so much to the fans on TV, and in our movies, and on TV guestings, like being sweet.

“But I like to keep that a little bit of privacy to ourselves.”

Yun din daw ang dahilan kung bakit hindi sila masyadong nagpi-PDA (Public Display of Affection) at hindi nagpu-post sa social media ng sweet sila sa isa't isa.

“We’d like to keep that to ourselves because we’ve given so much to everyone else, so we’d like to keep that a little bit of privacy to ourselves.”

Pero sa dalawang taon na iyon, natutunan na raw nila ni Nadine na mas maging kumportable.

“But now, I guess matagal na [ang relasyon], we’re getting more comfortable.”

Mas matatag daw ang kanilang relasyon ngayon at hindi na pansin ang pamba-bash.

“We don’t really listen. We don’t mind bashers at all.

"We’re so past that stuff. Yes, very strong," diin ni James.

SOLO PROJECTS. Sa kanilang upcoming concert, magkakaroon ng individual moments sina James at Nadine bilang performers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito raw ay para ipakita na kaya rin nilang gumawa ng ibang bagay nang hindi magkasama.

Ani James, “I think it was really time to just do our own thing 'coz we’ve grown so much as a love team, but we know we have or can do so much more and we wanna show to people that we can really branch out and stand alone.”

Bukod pa rito, may kanya-kanya na ring separate acting projects ang dalawa.

Gumagawa ng pelikula si James kasama si Sarah Geronimo, at may isa ring pelikulang gagawin si Nadine na hindi kasama si James.

“It’s really time to do our own thing,” ani James.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN