JC Santos admits relationship with stage actress Teetin Villanueva is on the rocks

IMAGE Noel Orsal

JC Santos admits he and girlfriend of four years, stage actress Teetin Villanueva, are not on the best of terms. "We'll see kung kami and it's meant to be...kung hindi, hindi." 


Hindi man nagbigay ng detalye, inamin JC Santos na mayroong problema sa pagitan nila ng kanyang girlfriend na si Teetin Villanueva.

Si Teetin ay isang stage actress na mahigit apat na taon nang karelasyon ng aktor.

Ayon kay JC, "Yeah, may problem.

"So, yun muna ang masasabi ko.

"I can't answer that [in detail].

"May kinalaman ba ang showbiz career ko? Yes, meron."

Pinagseselosan ba ni Teetin ang papagandang movie at TV career niya?

Giit ni JC, "Hindi naman. It's about the career, in general.

"Sa ngayon kasi, it's a different priority, e.

"So, we'll see kung kami and it's meant to be... kung hindi, hindi.

"Kaya naman niya yung pressure, pero it's just... it's a different path yung napuntahan namin.

"And we agree to... separate? Yeah, ganun."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si JC sa grand mediacon ng pelikulang Mr. & Mrs. Cruz, na co-production ng Viva Films at Ideal First Company.

Ginanap ito sa Le Reve Events Place, sa Quezon City, noong January 9.

Handa na ba talaga siyang i-give up ang love life for career?

Saad ng 29-year-old movie and stage actor, "Lalo na ngayon na bago ako sa industriya, kaya, as much as possible, kung mapagsasabay ko, kakayanin ko.

"Pero, siyempre, career is important.

"Yun nga, nandun nakasalalay yung... ito, pangarap ko ito, e.

"Pangarap naming dalawa [ni Teetin] ito."

REUNION MOVIE WITH BELA. Samantala, marami ang nag-i-expect na pagkatapos ng hit movie nila ni Bela Padilla na 100 Tula Para Kay Stella, sila pa rin ang magkasama sa follow-up movie ng aktor.

Kaya may mga nagulat na si Ryza Cenon ang ka-partner niya sa Mr. & Mrs. Cruz.

Paliwanag ni JC, "Ang ano ko diyan ay magkakaroon kami ulit na pelikula ni Bela.

"Bale ngayong January-February na kami magsu-shoot for another film. 

"That's why I'm really very, very excited.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, reunion yun for us."

Masaya naman daw si JC na si Ryza ang kasama niya ngayon sa pelikula.

Aniya, "Sobrang suwerte ko na nakatrabaho ko siya.

"Ang dami kong natutunan dahil sobra siyang disiplinado.

"Ang galing niyang umarte sa kamera. 

"Samantalang ako, hndi ko alam kung napapayuko ba ako?

"Tumatalikod ba ako? Yung mali-maling blocking.

"Yun pa rin ang inaaral ko.

"Ang suwerte-suwerte ko na siya at si Direk Sigrid [Bernardo ng Kita Kita] ang kasama ko sa second mainstream movie ko."

Ang unang mainstream movie ni JC ay ang 2017 Metro Manila Film Festival entry na Meant to Beh, kung saan gumanap siyang anak nina Vic Sotto at Dawn Zulueta. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN