Diego Loyzaga and Sofia Andres want a chance to compete with popular love teams

IMAGE Noel Orsal

Sofia Andres on her team up with Diego Loyzaga: "Maraming sikat na love teams, so we really try our best to prove ourselves."


Aminado sina Diego Loyzaga at Sofia Andres na matindi ang kumpetisyon sa pagitan ng love teams ngayon.

Sa press conference para sa finale week ng Pusong Ligaw noong Sabado, January 6, malambing na nakiusap si Sofia sa entertainment reporters na tulungan silang i-promote ang kanilang pelikulang Mama's Girl.

“Patulong po sa [pag-promote] sa Mama's Girl,” sabi ni Sofia tungkol sa unang pelikulang pagbibidahan niya.

Kinakabahan daw si Sofia dahil makakatapat nito ang pelikula nina Judy Ann Santos at Angelica Panganiban na Ang Dalawang Mrs. Reyes, na ipalalabas din sa January 17.

Bukod pa rito, mas inaalala raw ni Sofia na magkaroon ng marka ang love team nila ni Diego.

Sabi niya, “Maraming sikat na love teams, so we really try our best to prove ourselves. We know that...”

Pinigilan ni Diego ang kanyang ka-partner at pinalakas ang loob nito.

Sabi ng binata, “We know that we can. We know that we have it.

"Sana bigyan lang tayo ng pagkakataon."

Inamin ni Diego na, katulad ng ibang love teams, matindi rin ang pressure na nararamdaman nila bilang magkapareha.

“There always is, there always will be.

"Whether it comes from ABS-CBN or our families or even our fans, lagi naman.

"I mean, kung wala...

“Diamonds are made out of pressure.

"So, if we turn out like diamonds, e, di ang ganda,” pahayag ng anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga.

Nang tanungin kung may laban ang kanilang love team sa ibang tambalan, sagot ni Sofia, “Meron naman po. After ng Mama's Girl, let's see.”

Sinang-ayunan naman ito ni Diego, “Tingnan natin pagkatapos ng Mama's Girl.”

Umaasa ang dalawa na sa pamamagitan ng Pusong Ligaw, na tumagal nang halos siyam na buwan sa telebisyon, napatunayan ng kanilang tambalan na may karapatan din silang magkaroon ng puwang sa showbiz.

UNSELFISH RELATIONSHIP. Samantala, bagamat masasabing mas malapit na sa isa't isa ngayon sina Diego, 22, at Sofia, 19, hindi pa rin nila tuwirang masabi kung ano na ang estado ng kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung may relasyon kami, oo meron,” sabi ni Diego.

Pero hindi pa raw niya masabi na magkasintahan sila ni Sofia.

“Kasintahan? Hindi, e. I wouldn't put it in that label na kasintahan.

“Minsan ang kasintahan, may selos, may away, nagkakaroon pa ng mga problema.

“What Sofia and I have, yung working relationship namin. We always help each other out.

“Walang ganun, walang selos, wala nang selfishness sa ginagawa namin for each other.

“I think that's the best way I can put it,” ani Diego.

Dagdag na paglalarawan pa niya, “It's not like a normal relationship. Hindi siya normal na mag-dyowa o magkasintahan.

“What we have is, I would like to say, more or better, better than that definitely.

“Kasi I've never seen anyone or met anyone na sinabi ko na, 'Okay, I wanna work with you, spend the next three years with you, and try to live my life with you and also build your life with you.'

“Wala namang ganun sa kasintahan, wala kayong promise sa isa't isa when you started dating na, di ba? Pero we did.”

Sa huli, sinabi ni Diego na higit pa sa pagiging magkasintahan ang relasyon nila ni Sofia.

Sabi niya, “It's hard to explain.

"Pero no one else has to understand it but the both of us. Iba ang relationship namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN