Cristine Reyes's prayer: "Please guard my relationship with my husband."

IMAGE Courtesy: @mrscristinekathibi on Instagram

Suportado ng maraming netizens ang dasal ni Cristine Reyes sa Diyos na lalo pa nitong pagtibayin ang samahan nila ng asawang si Ali Kathibi. 


Suportado ng maraming followers ni Cristine Reyes ang kanyang dasal para sa kanila ng asawang si Ali Kathibi.

Sa Instagram nitong nakaraang Lunes, January 8, nag-post si Cristine ng larawan nila ni Ali habang nasa bakasyon.

Dito ay hiniling niya sa Panginoon na lalo pang pagtibayin ang kanilang samahan.

Panalangin ni Cristine: “Dear God, I pray for my marriage right now.

"Please guard my relationship with my husband and protect us against elements that tempt or taunt us to ruin what we have.

“Convict our hearts when we are wrong or un-righteous, fill us with a passion to get better and bless us with a deep love for each other in Jesus name AMEN.”

Sinang-ayunan naman ito ng maraming netizens na nagkomento ng “Amen.”

Sa kanyang panig, sinabi ni Ali sa kanyang post na hanggang sa kanilang pagtanda—maski na pareho na silang may kulubot sa mukha—ay hindi magbabago ang pagmamahal niya sa asawa.

Aniya, “I vow to still grab your butt even when you're old and wrinkly.”

I vow to still grab your butt even when you're old and wrinkly. ????????

A post shared by Ali Khatibi (@mralikhatibi) on

Ikinasal sina Cristine at Ali noong January 2016. May isa na silang anak na babae, si Amarah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN