Paulo Avelino, Aljur Abrenica recall being linked to each other during their Kapuso days

IMAGE Noel Orsal / James Patrick Anarcon

Aljur Abrenica and Paulo Avelino both laughed off rumors that they had a relationship back in 2009, when they were still in GMA-7. Both actors are now with ABS-CBN, and they are part of the upcoming afternoon series Asintado.


Tinawanan lang nina Aljur Abrenica at Paulo Avelino ang isyu noon kung saan nili-link silang dalawa.

Taong 2009 nang lumabas ang balitang may relasyon daw ang dating magkatunggali sa StarStruck IV: The Next Level.

Si Aljur ang itinanghal na Ultimate Hunk, habang na-eliminate naman si Paulo bago ang finals.

Napag-usapang muli ito sa interview nina Paulo at Aljur sa Tonight With Boy Abunda kahapon, January 10, nang ipaalala sa kanila ng host na si Boy Abunda ang naging isyu sa kanila.

Nang marinig ito ay natawa lamang si Paulo at pabirong sinabing, "Ayoko na sanang alalahanin yung mga pinagdaanan natin..."

Sabi naman ni Aljur, "Naka-move on na kami, e..."

Pagkatapos ng kanilang biruan ay tinanong ni Boy kung paano sila naka-recover sa isyu.

Sagot ni Aljur, "Meron ngang ganun, tinawanan lang namin ni Paulo yun, e."

Paliwanag naman ni Paulo, napapansin daw kasi ng iba na "medyo malambot" siya noon.

"Sabi nila, medyo malambot daw ako, na mukhang totoo naman.

"Ayun, siguro naging close rin talaga lahat ng ka-batch namin sa StarStruck. At siguro na-misinterpret lang yun."

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Paulo, na nailathala noong October 2009, tinawanan lang niya ang isyung ito kasama na ng pagkukuwestiyon sa kanyang sekswalidad.

Aniya, "Siguro the way I move, medyo feminine nga raw.

"Pero hindi naman siguro dun nabe-base ang pagkalalaki ng isang tao."

Sa kasalukuyan ay pareho nang nasa bakuran ng ABS-CBN sina Paulo at Aljur, at magkakatrabaho sila sa upcoming teleserye ng ABS-CBN na Asintado.


Stories We Are Tracking

Paulo Avelino laughs off rumor linking him to Aljur Abrenica
Paulo Avelino laughs off rumor linking him to Aljur Abrenica


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN