Max Collins talks about the behind-the scenes of her wedding to Pancho Magno

IMAGE Noel Orsal

Max Collins shares her discoveries as a newlywed. "It's like you only want the best for your partner. Ayaw mo siyang masaktan. Ayaw mo siyang makikitang malungkot or having a hard time." Max married fellow Kapuso artist Pancho Magno last December 11, 2017.

 


Nang ikasal ang Kapuso artists na sina Max Collins at Pancho Magno noong December 11, 2017, naging kapansin-pansin ang pagiging emosyunal nilang dalawa noong araw na iyon.

Paliwanag ni Max tungkol dito, “Siguro because we never thought it would actually happen.

“We’re always, like, baka hindi matuloy or baka marami kaming pagdadaanan before we get married.

“It has been a struggle because we’re a young couple and we’re getting married.

“The fact that, 'Oh, this is it, this is it, we’re getting married.'

“That’s why naging emosyunal kaming dalawa.

“Hindi lang namin napigilan, especially siya.”

Si Pancho ang mas emosyunal at iyak nang iyak. May mga sandali ring parang si Max pa nga ang umaalo rito.

Natatawang sabi ni Max, “Yung relationship niya with his family is so strong.

“Ako kasi, small lang ang family ko.

“So, it’s emotionally different.”

On December 11, 2017 I got to marry my best friend. It wouldn't have been as magicial if not for all of the people who worked tirelessly to make our dream wedding come true. From the bottom of our hearts, THANK YOU! To all our Ninongs, Ninangs, Pastors, entourage, family & guests. Thank you for celebrating the most special day of our lives with us! We love you all & are so blessed to have you as friends ?? Venue @manilamarriott special thanks to Sir Jojo Berenguer, Dexter, the head chef, waiters and staff that took care of us ???? To our Pastors and @victorygreenhills family, thank you for teaching us the meaning of love @dennissiasy @larrysouy @allan_magtoto @joashpaunil ???? Entourage bouquets: @petalier_ ???? Gown & Suit by the one & only @francislibiran @francislibiran8 @francislibiranbridal @victorharryx ???? Entourage gowns by the lovely @marianeperez ???? Host: @ricochismoso ?? Entertainment by @migzhaleco @deaformelliza @zhalia special performances by Miss @kuhledesma @maricrisgarciacruz @princesskhristine1 @asistioynna @thesexyyssa @alyanaasistio @anykkaasistio Xander ???? Manila String Quartet ???? Beautiful invitations by @printcityinvitations ???? Personalized leather gifts for our sponsors & entourage all by @astridleather ???? customized wine glasses by @insta_mug ???? fragrances for our guests by @beautedermphilippines @momirei ???? Cake by @honeyglazecake ???? Makeup by @denisegoochoa ?? Hair by @nelsonpcruz @styluxesalon assisted by @vicsonandrei1982 & carol ???? reception/party makeup: @rickmcalderon & hair by @rjdelacruz ???? bridal shoes: @carolinaherrera / @shoepatosph ???? Jewelry for bride & entourage: @jacatel ???? ring & coin boxes: @inscribeph ???? bridal robe: @evethelabel_ ???? nails: @mimsqiu ???????? brows: @momoisupe ???? official photos & videos: @niceprintphoto ???? photobooth: @phmementos ???? Spinner @rodryancamilo ???? First dance: @pauinfante ???? @thepaololuciano @martinchristiant @someonelikexyza thank you ??

A post shared by Max Collins (@maxcollinsofficial) on

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Max sa press conference ng bago niyang primetime series sa GMA-7, ang The One That Got Away, na magpa-pilot na sa Lunes, January 15.

MARRIED WOMAN. Sa patuloy na kuwento ng aktres, nag-open up na ito tungkol sa family life ng kanyang bagong asawa.

“His dad being there is a big thing.

“His dad wasn’t present for most of his life.

“So, the fact na nandoon siya, supporting [Pancho], really made him really emotional.

“Tapos nandoon din si Mama Redgie,” pagtukoy ni Max sa ina ni Pancho na si Redgie Magno, executive ng GMA Netwotk.

Patuloy niya, “She’s very hands-on, and even sa relationship namin, parang siya ang nagiging counselor namin kapag may problema kami.

“And he’s also more emotional than me. Naka-makeup pa 'ko, sayang ang make-up!”

Bukod kay Pancho, halos hindi rin mapatid ang pagluha ng mommy ni Max, na parang hindi pa handang “ibigay” ang bride.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang mommy ko, ayaw niya talaga akong ibigay!” natawang pag-amin ni Max.

“Sobrang ako ang panganay and I grew up with her, and it’s just the two of us before my brother was born.  

“So, sobrang close niya sa akin at sobrang close ko sa kanya.

“For her, feeling niya, mawawalan siya ng anak.

"But we reassured her na hindi siya mawawalan ng anak, madaragdagan pa yung family and lalaki lang yung family."

Noong Christmas at New Year nga raw, parang lumaki na ang pamilya nila ng Mommy Belle niya dahil magkakasama na sila ng pamilya ni Pancho sa La Union.

LIFE AS A NEWLYWED. Ano ang pakiramdam o kaibahan ngayong mayroon na siyang mister?

Ayon kay Max, “It’s like you only want the best for your partner.

“Ayaw mo siyang masaktan.

“Ayaw mo siyang makikitang malungkot or having a hard time.

“You just wanna make sure that he’s happy and you give him all the attention and the love that you can give.

“So, when you’re mad, parang dapat I should not be mad, kasi siya nga ang partner ko for the rest of my life.

"Parang all I know is that he just wants the best for me."

Noong kasal nila, nagsabi siyang mag-aaral siyang magluto ngayong may asawa na siya. Natuloy na ba ito?

Natawa si Max sabay sabing, “Mag-aaral pa lang!

“Gusto ko talagang mag-aral, kaya lang, wala pang time, e.

“Pero gusto ko talagang mag-crash course kung paano magluto.

“Seriously, gagawin ko yun at isa yun sa mga 2018 New Year’s Resolutions ko.”

Kahit kasal na sila ni Pancho, wala pa raw sa plano nila ang maging mga magulang kaagad ngayong 2018.

Ayon kay Max, “I just want to enjoy married life.

“At sana ma-build yung foundation namin bilang mag-asawa.  

"I just want us to have a strong foundation before we have our children.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana works are still good, our shows do well, and makapagbakasyon kami abroad.”

Sa Italy raw nila planong mag-honeymoon.

NEW YEAR, NEW SHOW. Bukod sa pagiging isang ganap na misis, ang kanyang bagong primetime series na The One That Got Away o TOTGA ang bago kay Max ngayon, kasabay ng bagong taon.

Kung ihahalintulad daw sa American series na Sex in the City, posibleng ang karakter niya bilang si Darlene “Darcy” Sibuyan ay si Miranda Hobbes ng naturang serye, na ginampanan ng aktres na si Cynthia Nixon.

“I would say Miranda, kasi si Miranda yung very chill, may pagka-masculine, boyish.

“Ganun din yung character ko, very straightforward. Hindi siya maingay, hindi siya kikay.”

Sexy-funny raw ang bago nilang primetime series nina Lovi Poe, Rhian Ramos, at Dennis Trillo.

“Very millennial,” sambit pa niya.

Gaano siya ka-sexy rito?

“Kasi, we’re sporty girls.

“Parang kita ang tiyan, which is hard for me kasi, hindi ako kasing-payat ng dalawa [Lovi and Rhian].

“But I really forced myself to make sure that I’m fit.

“Yun lang ang pinaka-sexy ko, I think, the outfits. But my character is more on boyish.”

Unang beses na makasama at makapareha ni Max si Dennis.

Katulad din ng impresyon ng iba sa aktor, nakangiting sabi ni Max, “He’s so quiet.

“He’s nice, he’s just so quiet.

“And it’s just so funny, kasi lahat kami, ang ingay namin.

“Inglisera tapos parang ang arte-arte namin kapag nag-usap.

“Tapos siya, ang tahimik niya lang. Kaya minsan nagsu-sorry kami.

“Parang kapag may shoot or something, ang gugulo namin.”

Nagkasama na sila ni Lovi sa seryeng Someone to Watch Over Me, ngunit iba raw ang closeness na nabuo sa kanilang tatlo ni Rhian.

“Super sakto lang,” aniya.

“Hindi ko alam kung paano kami pinagsama, but we’re so alike pala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatuwa, magkasundo kaming lahat.

“Si Rhian, I’ve never worked with her before. Ito yung first time, but it seems we’ve been friends for a long time.

“And she’s super funny, madaldal.

“Ang dami niyang alam and she’s so smart. Inglisera rin.”

Sa totoong buhay ay may “TOTGA” rin ba si Max?

Mabilis niyang sagot, “No, I’m the TOTGA because I’m married na. So, I’m the TOTGA.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN