Janella Salvador keeps mum about mom Jenine Desiderio's "gatecrasher" post

IMAGE Instagram

Janella Salvador speaks up about her rift with mom Jenine Desiderio: "We're solving things, hopefully… and at the right time, everything will be okay."


Kinunan ng reaksiyon si Janella Salvador sa makahulugang Facebook post ng inang si Jenine Desiderio tungkol sa isang "gatecrasher" sa kanilang family reunion noong nakaraang Pasko.

Matapang na mensahe ni Jenine sa kanyang post noong December 27, 2017: "How dare you gate crash both sides of our family's Christmas reunions?

"Do you really just do this as in come uninvited?

"And how could you enjoy knowing i did not come in knowing you were there?

"My family's too decent to make you leave but you think you're welcome & accepted?

"Think again. If you can. #angkapal." 

Hindi pinangalanan ng veteran singer-actress kung sino ang kanyang pinasasaringan.

Gayunpaman, may ilang fans na tumukoy kay Elmo Magalona bilang taong pinasasaringan ni Jenine sa kanyang post.

Si Elmo ang ka-love team at rumored boyfriend ni Janella.

JANELLA'S REACTION. Sa kasal ng kapatid ni Elmo na si Maxene Magalona, sa modelong si Robby Mananquil, sa Boracay nitong Huwebes, January 11, ay naroon si Janella.

Dito ay kinunan ng reaksiyon si Janella ng entertainment columnist na si Allan Diones at talent manager na si Noel Ferrer.

Maingat na pahayag ng dalaga, “Actually, I’d rather not talk about it 'coz I don’t wanna make a big issue about it.

“Basta I want to tell everyone na I know what my mom did was not private, pero sana, for me, i-respect na lang yung privacy namin.”


Stories We Are Tracking

Maxene Magalona marries Robby Mananquil in Boracay
Maxene Magalona marries Robby Mananquil in Boracay

Kinumusta rin kay Janella ang relasyon nila ng ina ngayon, lalo pa't matagal nang napapabalitang may di sila pagkakaunawaan.

“We’re solving things, hopefully… and at the right time, everything will be okay.

“Yun lang masasabi ko,” sagot niya.

INVITED IN FAMILY REUNION. Samantala, nabanggit ni Janella na naimbitahan si Elmo sa recent holiday event ng kanilang pamilya.  

“Yeah, isinama ko siya for the first time.

"Hindi naman the whole time, parang sumunod na lang siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In-invite ko siya kasi I asked my family members kung puwede siyang pumunta, and they said, 'Yeah,' so invited [siya].”

Sinabi rin ni Janella na naiimbitahan din siya ni Elmo sa family gatherings ng pamilya nito, kagaya nga sa kasal ni Maxene.

Dagdag niya, “First of all, hindi ko in-expect na magpi-first reading pa ako, di ba?

“And then I cried pa even if I just started joining their family, just recently lang.

“I super felt the solemnity of the wedding. Sobrang intimate at naiyak talaga ako.”  


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN