JC Santos's ex-girlfriend Teetin Villanueva accuses him of cheating: "He can't be trusted."

IMAGE Courtesy: @teetinv on Instagram / Noel Orsal

Wala na raw balikang mangyayari sa pagitan nina JC Santos at Teetin Villanueva. Ayon sa theater actress, hindi mapagkakatiwalaan ang aktor.


Inakusahan ng stage actress na si Kristine ‘Teetin’ Villanueva ang ex-boyfriend na si JC Santos ng pangangaliwa.

Ito raw ang dahilan kaya humantong sa hiwalayan ang apat na taon na nilang relasyon.

Si JC mismo ang umamin na on the rocks na ang relasyon nila ng theater actress sa isang panayam nitong nakaraang January 9.

Hindi direktang sinabi ni JC ang dahilan ng paghihiwalay nila, pero sinabi ng aktor na may kinalaman dito ang kanyang showbiz career.


Stories We Are Tracking

JC Santos admits he and girlfriend are not okay
JC Santos admits he and girlfriend are not okay

Ngunit ayon mismo kay Teetin, “cheating” ang rason kung bakit sila naghiwalay ng landas ni JC.

Noong January 9 din ay nag-post si Teetin ng mensaheng ito sa kanyang Instagram account: “Time discovers truth.”

Sa comments section, may sinagot si Teetin na ilang komento ng kanyang followers.

Ayon sa Instagram user na may handle name na @goldafishyyy, bago pa lang ang New Year ay nakaramdam na siya ng hindi maganda sa relasyon nina Teetin at JC.

Sana raw ay maayos kung anuman ang problema sa kanilang dalawa.

Sagot ni Teetin, hindi na ito mangyayari dahil hindi raw mapagkakatiwalaan si JC.


May nagsabi namang ang "stylist" diumano ni JC ang dahilan ng hiwalayan nila ni Teetin.

Pero ayon na rin kay Teetin, isa lang ito sa mga dahilan.

Marami pa raw babaeng kinahuhumalingan ang 29-year-old actor.



Ayon naman sa isang follower ni Teetin, huwag munang husgahan ang aktor dahil hindi pa alam ang buong pangyayari.

Buwelta ni Teetin, hindi na mababawi ang mga nangyari.


May nagsabi ring magkasama ngayon si JC at ang kanyang stylist sa El Nido, Palawan.

Makikita naman si JC, base sa kanyang Instagram post, na nasa Palawan nga ito.

A post shared by JC Santos (@j.c.santos) on

Naka-private naman ang Instagram account ng stylist ni JC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN