Megan Young aggressively snatches bridal bouquet of Maxene Magalona

IMAGE Courtesy: @meganbata / @mikaeldaez on Instagram

Usap-usapan sa social media ang pagpuntirya ni Megan Young sa bridal bouquet ni Maxene Magalona sa kasal ng huli kay Robby Mananquil sa Boracay nitong Huwebes, January 11. Pinaniniwalaang ang sinumang makasalo ng bouquet ng bride o makakuha ng garter ng groom sa isang kasalan ang susunod na ikakasal. Ang nobyo ni Megan na si Mikael Daez ang nakakuha ng garter sa naganap na kasalan.


Ikinatuwa ng netizens at mga kaibigan ni Megan Young ang video kung saan makikita ang tila pagpuntirya niya sa bridal bouquet na inihagis ni Maxene Magalona sa reception ng kasal nila ni Robby Mananquil.

Taking after MJ ???? #iROByouveryMAXX #MagalonaMananquil

A post shared by Megan Young (@meganbata) on

Ikinasal sina Maxene at Robby sa Shangri-La Resort and Spa, sa Boracay, noong Huwebes, January 11.


Stories We Are Tracking

Maxene Magalona marries Robby Mananquil in Boracay
Maxene Magalona marries Robby Mananquil in Boracay

Sa nasabing video na in-upload ni Megan sa Instagram, kitang-kita ang agresibong pagtalon ng Miss World 2013 upang saluhin ang bridal bouquet.

“Mikael” naman ang sigaw ng mga bisita sa reception ng kasalan nang makita ang eksenang ito.

Ang tinutukoy na "Mikael" ng mga bisita ay ang Kapuso actor-TV host na si Mikael Daez, boyfriend ni Megan.

????????

A post shared by Mikael Daez (@mikaeldaez) on

Pitong taon na ang relasyon nina Megan at Mikael, kaya inaasahang ang dalawa na ang susunod na ikakasal.

This is our serious pose ????????

A post shared by Megan Young (@meganbata) on

Si Mikael din ang nakakuha ng garter mula sa groom, kaya lalong umugong ang usaping lalagay na sa tahimik ang dalawa.

Pinaniniwalaang ang sinumang makakuha ng bridal bouquet at garter sa isang kasalan ay ang susunod na ikakasal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN