Robin Padilla no regrets about scolding non-Tagalog-speaking Korean contestant on Pilipinas Got Talent

IMAGE Photos grabbed from Pilipinas Got Talent

Robin Padilla (left) did not mince words in scolding a Korean Pilipinas Got Talent contestant, Jiwan Kim (right), who irked Robin because he could not speak Tagalog after staying in the country ten years.


Walang pagsisisi si Robin Padilla sa ginawa niyang pag-sermon sa isang contestant ng Pilipinas Got Talent (PGT) nitong nakaraang Sabado, January 13, dahil hindi ito marunong mag-Tagalog.

Sa simula pa lang, bago pa man sumalang ang Korean contestant na si Jiwan Kim para sa kanyang magic trick, hindi na ito pinagbigyan ni Robin, na isa sa mga hurado ng programa.

Pinagsabihan ni Robin ang contestant na matuto muna itong magsalita ng Tagalog kung nais niyang makipag-cooperate si Robin.

Sermon ni Robin, hindi siya papayag na mag-adjust ang lahat ng hurado para sa isang banyagang hindi marunong mag-Tagalog kahit sampung taon na itong naninirahan sa Pilipinas.

Naitawid naman ng Korean contestant ang kanyang magic trick at nagsikap itong mag-Tagalog sa tuwing makikipag-usap siya kay Robin.

Sa dulo, humingi ng paumanhin si Robin kay Jiwan sa kanyang pagsermon, ngunit sinabi rin niyang para lamang siyang amang tinuturuan ng tama ang isang anak.

Humingi rin ng paumanhin ang Koreano at sinabing sa susunod ay sisikapin niyang mag-Tagalog.

Sa huli, nakakuha pa rin ang Koreano ng pabor mula sa tatlong hurado at posible itong umabante sa next round.

Nag-trend si Robin, pati na rin ang #PGTisLife dahil sa eksenang ito.

Maraming netizens ang nagpahayag ng galit sa ginawa ni Robin.

NO REGRETS. Sa kabila ng pagbabatikos ng ilang netizens, wala raw pagsisisi si Robin sa kanyang mga naging pahayag.

Paliwanag ng aktor, “Wala akong pinagsisihan kasi, ako, pumupunta din ako sa ibang bansa at pag pumupunta ako sa ibang bansa, pinipilit kong malaman kung ano yung salita do'n kasi bisita ka ro'n, e.

“Ikaw ang makikibagay, kung pupunta ka sa Pilipinas at uutusan mo kami at i-Inglisin mo kami sa banyagang pananalita, e, baka nagkakamali ka, kasi bayan ko 'to.

"Bayan ko 'to at handa akong mamatay anytime para sa bayan ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Robin sa press conference ng kanyang upcoming teleserye sa ABS-CBN, ang Sana Dalawa ang Puso, na ginanap sa 9501 Restaurant sa ELJ Building ng ABS-CBN nitong nakaraang Sabado ng gabi, January 13.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya kung sasabihin mo sa 'kin na sampung taon ka na dito at hindi ka pa rin marunong mag-Tagalog, may problema ka.

“Hindi mo puwedeng sabihin sa akin mahal mo ang Pilipinas.

“Sabi niya mahal niya ang Pilipinas, may girlfriend siyang Pilipina, pero hindi siya marunong mag-Tagalog?” katwiran ng Pilipinas Got Talent judge.

Nilinaw din ni Robin na hindi niya inaaway ang Korean contestant.

“Hindi ko naman siya inaway.

"Sinabihan ko lang siya na parang tatay niya.

"Sabi ko sa kanya, 'Ako, para akong tatay mo, tandaan mo 'yan.'”

Kinunan naman ng reaksyon si Robin sa negatibong reaksyon ng mga netizens. 

“Gano'n talaga, e.

"Di mahalin nila ang Korean kung gusto nila. Wala naman problema sa akin yon.

"Magpakamatay sila sa Koreano kung gusto nila,” pahayag nito.

“Sampung taon na siya [sa Pilipinas].

“Kung tayong mga Pilipino hindi tayo magiging patriotic sa bansa natin, e, wag tayong humingi ng pagbabago. 

“Kung tayo mananatili tayong alipin ng dayuhan, kayo na lang.

"Hindi ako magpapaalipin sa dayuhan sa bansa ko. Hindi mangyayari 'yon.

“Ako ang hari dito dahil bansa ko 'to.”

Dagdag pa ni Robin, kung nasa Korea naman siya ay makikibagay siya bilang isang bisita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN