Erik Santos has forgiven but not forgotten issue with Jobert Sucaldito

IMAGE Noel Orsal

Singer Erik Santos (in photo) on issue with radio host-reporter Jobert Sucaldito: "Yung limot, hindi. Ang hirap kasing makalimutan ng mga bagay, e. Pero yung forgiveness is there."


Bagamat tuloy pa rin ang kasong isinampa ni Erik Santos laban kay Jobert Sucaldito, naka-move on na raw ang Kapamilya singer mula rito.

Nahaharap ang radio host at reporter na si Jobert sa kasong 37 counts of cyber libel kaugnay ng patung-patong na reklamong isinampa ni Erik, at ang talent manager nitong si Erickson Raymundo, sa Quezon City Prosecutor's Office noong March 30, 2017.

Ito ay sa kadahilanang mayroong "sufficient ground" ang inireklamong malisyoso at mapanirang Facebook posts ni Jobert patungkol sa dalawang complainants.

Base ito sa joint resolution ng Quezon City Prosecutor’s Office, na may petsang October 12, 2017, at may lagda nina Investigating Prosecutor Julan Ilao at Senior Assistant City Prosecutor Jaime Villanueva.


Stories We Are Tracking

Erik Santos, manager sue Jobert Sucaldito for libel
Erik Santos, manager sue Jobert Sucaldito for libel
Jobert Sucaldito addresses libel complaints of Erik Santos
Jobert Sucaldito addresses libel complaints of Erik Santos
Jobert's lawyer releases statement vs Erik's cases
Jobert's lawyer releases statement vs Erik's cases
Jobert Sucaldito charged with 37 counts of cyber libel
Jobert Sucaldito charged with 37 counts of cyber libel

Pahayag ni Erik tungkol sa isyu nila ni Jobert, “Oo, naka-move on na ako. 

“Kasi wala akong choice kundi to move on, to move forward... and yung pagpapatawad naman, kasi ako, maybe, it’s really a gift na... napakadali kong magpatawad.

"Hindi matigas yung puso ko.”

Pero kung madali raw siyang magpatawad, aminado si Erik na hindi siya madaling makalimot.

“Yung limot, hindi.

“Ang hirap kasing makalimutan ng mga bagay, e.

“Pero yung forgiveness is there.”

Patuloy ng 35-year-old singer, “Yung forgiveness siguro, dapat nasa ating lahat yun.

“Dapat meron tayo nun sa puso natin, lalo na kapag tumatanda.”

Tumanggi namang magbigay ng komento si Erik kaugnay sa development ng demanda niya kay Jobert.

Paliwanag niya, “I am not allowed to talk about the case kasi... kung meron kayong question about the case, sa lawyer na lang.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Erik sa presscon para sa #Pa-MORE Valentine concert nila nina Martin Nievera, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez sa Seda Hotel, Vertis North, Quezon City, noong January 8.

PART OF THE PAST. Kaya niya bang harapin si Jobert kung sakaling magkasalubong sila sa isang pagkakataon o sa isang okasyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matamang nag-isip muna si Erik bago nagsalita.

Saka niya sinabing, “Hindi ko alam. Hindi ko alam. Kasi maliit lang ang industriya natin. 

“Alam niyo, mahal ko naman ‘yan, hindi ko nga alam kung bakit nangyari yun.”

Mas nasaktan ba siya sa alitan nila dahil naging magkaibigan sila?

“Oo,” mabilis na sagot ni Erik.

“So, kung anuman ang nangyari, ginawa ko lang sa tingin ko kung ano ang tama.

“Ginawa ko lang sa kung ano sa tingin ko yung dapat kong gawin.

“And kung anuman ang mangyayari in the future, lahat ‘yan ay parte ng kung ano yun… mangyayari naman kung ano ang mangyayari, e.

“Kumbaga, part ito ng kung sino ako bilang tao.

“And siguro, kung anuman po yung nangyari in the past, lahat ay makakapag-move on din.”

Itinuturing pa ba niyang kaibigan si Joebert?

Tugon ng singer, “Hindi ko po alam... hindi ko po masabi.

“Mahirap sagutin, mahirap pong sagutin. Kasi ano, e... masakit.”

Mayroon ba siyang gustong mawala o makalimutan sa mga nangyari sa kanya nong 2017?

Ayon Erik, “Wala naman akong gustong mawala.

“Kung anuman yung nangyari sa akin, good or bad, part ‘yan ng trabaho ko, part ‘yan ng buhay.

“Hindi naman palaging Pasko, hindi naman palaging masaya.

“Kung anuman yung mga nangyaring challenges sa akin nong nakaraang taon, for me, ano ‘yan... bahagi ‘yan ng kung ano ako magiging sa future.”

Samantala, sa February 10 gaganapin ang Valentine concert nina Martin, Ogie, Erik, at Regine sa MOA Arena.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN