Angelica Panganiban on failed relationships: "Naiyak ko naman na lahat."

IMAGE Noel Orsal

"Masasabi kong hindi pa ako ready kasi, siyempre, ang dami ko pang takot. Takot pa ako ngayon kaya gusto ko kapag nagmahal ako ay kaya ko na ulit," says Angelica Panganiban about falling in love again.


Punung-puno ng hugot ang mga sagot ni Angelica Panganiban sa mga tanong tungkol sa relasyon sa ginanap na digital conference ng pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes kahapon, January 13.

Kung ikukumpara kasi ang sarili sa karakter niyang si Cindy, may ilang eksena sa pelikula na naranasan na niya sa tunay na buhay.

Tulad halimbawa ng paghihiganti ng karakter niya sa panloloko ng asawa.

Ang best revenge sa mga nanloloko, ayon kay Angelica, “Ang ganda ko, di ba? Maging maganda, maging happy sa buhay.”

Sumingit ang co-star niyang si Judy Ann Santos para sabihing dapat positive lang.

Pagsang-ayon naman ni Angelica, “Totoo naman, maging positive. Tigilan na natin yung mga pagiging bitter sa buhay.

“Ito namang ginagawa ko sa inyong mga kalokohan, it's a way na parang mapagtawanan natin yung mga nangyayari.

“Pero in real life, ganun ko rin siya ginagawa. Pero parang, 'Wala, Angge, ganito talaga, e.'”

Hindi sinabi ni Angelica kung aling nakaraang relasyon niya ang kanyang tinutukoy.

Pero inamin ng 30-year-old Kapamilya actress, “Naiyak ko naman na lahat.

"Normal yun, ha, kapag may pain kang dinadaanan.

“'Yan ang gusto kong linawin. Kasi, yun ang natutunan ko talaga, i-embrace mo yung pain, i-embrace mo yung journey.

“Kasi kapag pinilit mong takbuhan, na hindi, okay ka na, hindi siya magwu-work at all.

“Dapat pala talagang i-embrace mo siya. Kapag naiiyak ka, iiyak mo.

“Kapag nahihiya kang umiyak sa harap ng maraming tao, e, di magtago ka, umiyak ka.

“Kasi, dun ka talaga matututo. Doon mo makikita yung sarili mo na, 'Uy, girl, ang chaka na. Bangon na, girl, tama na.'

Patuloy pa niya tungkol sa pagmu-move on mula sa isang failed relationship, “Yun lang pala yun kaysa yung sini-shield mo nang sini-shield, kasi babalik at babalik pala yun sa 'yo.

“So, ang pinakamagandang revenge is i-embrace mo siya, tanggapin mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Then, eventually ay okay ka na, magugulat ka na lang. Then, wala kang bitterness.

“Unahin mo muna ang pagpapatawad lagi sa sarili bago sa ibang tao. Kasi hindi puwedeng isa lang ang nagkamali, laging dalawa kayo dun.”


Stories We Are Tracking

Angelica has finally moved on
Angelica has finally moved on
Angelica speaks up about getting over an ex-boyfriend
Angelica speaks up about getting over an ex-boyfriend

ON CLOSURE. Naranasan na rin daw ni Angelica kung saan tila walang pormal na katapusan ang isang relasyon.

Wala pa rin siyang tinukoy kung kaninong relasyon niya ito.

Pero siya na raw mismo sa sarili ang nagsabing tapos na, bagamat wala silang personal na pag-uusap ng nakarelasyon niya.

Pabirong sabi ni Angelica, “Kapag walang closure, ikaw na ang magko-close nun kasi ayaw, e.

“At saka, hindi mo pa ba lalagyan ng closure kapag nakita mong, 'Ay wala na 'to.' Tapos na, iba na. Once na nakita mo, 'Uy!'”

Pagkatapos ay seryoso niyang ipinaliwanag, “Siguro ang bawat tao, akala nila hindi na nila nirerespeto ang sarili nila kapag ibinigay na ang lahat.

“Pero kapag once na naapakan pala yung pagkababae mo, yung pagkatao mo, meron pala siyang, 'Ay, wait lang, foul.'

“Meron pala siyang ganun.

"Ang hirap lang na hindi mo alam sa umpisa, hindi mo alam ang limit mo, na kailangan mo pang maramdaman para malaman mo na, 'Uy, wait, masakit na 'to. Dito, tatalikod na ako.'

“Sana lang huwag maramdaman ng mga babae o ng kahit sino yung ganung klase ng borderline kasi hindi siya fun at all.

“Malalaman mo naman kapag, 'Ay, closure na 'to.'”

Base sa kanyang karanasan, nalaman din umano ng Ang Dalawang Mrs. Reyes actress na, “May mga taong naduduwag sa closure.

“May mga taong hindi kayang magpaalam nang maayos kahit na they don't mean well.

“Wala, hindi na nila kayang magpaalam, so ikaw na lang.”

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

READY TO FALL AGAIN? Isa pang katangian ng role na ginagampanan ni Angelica sa Ang Dalawang Mrs. Reyes ay ang bigay-todo na pagmamahal sa isang asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa aktres, nagawa na rin niya ito sa kanyang mga nakaraang relasyon.

Kung sakali, gagawin pa rin ba niya ito sa kanyang susunod na boyfriend?

Tugon niya, “Gusto ko pa rin naman magsilbi, di ba, sa taong karapat-dapat.

“Ayaw ko namang ma-trauma. Siyempre, may pag-iingat na lang this time.

“Pero ayaw kong dumating sa point na magsisi ako na parang, 'Bakit dito hindi ko ibinigay?'

“Ayaw kong sabihing mali, pero doon sa mga past ay ito yung mga ginawa mo—mas napagsilbihan mo sila, mas naibigay mo.

"Tapos ngayong ito, wala namang ginagawang masama sa 'yo ay sobra kang naghu-hold back. Ayaw ko namang umabot sa ganun."

Bagamat nasasabi na ni Angelica na, “Okay na ako,” hindi pa rin daw siya handang pumasok sa panibagong relasyon.

“Masasabi kong hindi pa ako ready kasi, siyempre, ang dami ko pang takot.

“Takot pa ako ngayon kaya gusto ko kapag nagmahal ako ay kaya ko na ulit,” pagtatapos ni Angelica.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN