Kakai Bautista unfazed by bashers criticizing her looks

IMAGE Instagram @ilovekaye

Comedienne Kakai Bautista stresses that she is not affected by bashers' negative comments pertaining to her looks: "Lumipas na ang mga taon na kinaawaan ko ang sarili ko dahil sa sinasabi ng iba."


Nanindigan si Kakai Bautista, 39, na hindi siya apektado sa anumang pambabatikos sa kanyang pisikal na katangian.

Sa kanyang Instagram post noong Huwebes, Enero 11, sinabi ng singer/comedienne na minsan na raw kasi siyang nagpadala sa panlalait ng ibang tao.

Pahayag ni Kakai, "Alam at tanggap kong hindi ako maganda sa paningin at standards ng iba, ng mundong obsessed sa beauty and being beautiful.

"Hindi masakit para sa akin yun, dahil lumipas na ang mga taon na kinaawaan ko ang sarili ko dahil sa sinasabi ng iba.

"Tapos na ang mga araw na pinakikinggan ko sila at wala na akong balak makinig pa." 

Mas alam na raw ni Kakai pahalagahan ang sarili niya ngayon.

Patuloy niya, "Nakita ko na ang kagandahan na meron ako at wala na makakaagaw nun sa akin, dahil matagal ko nang natanggap kung sino at ano ako - anu man ang tingin ng iba.

"Hindi tayo mabubuhay sa maaaring iutos ng mundo sa atin."

Paalala pa ni Kakai sa kanyang Instagram followers, "Mabubuhay tayo sa inuutos at sinisigaw ng mga puso natin - Mahalin mo ang iyong sarili bago mo mahalin ang iba.??

"Narito po sa inyong harapan, KAKAI BAUTISTA — Tambay ng PACITA!Aaaay chenk u!???????????? #dentaldiva

"#confidenceispower #strokesbymomoisupe #gandangauraruz"

Alam at Tanggap kong hindi ako maganda sa paningin at standards ng iba, ng mundong obsessed sa beauty and being beautiful. Hindi masakit para sa akin yun, dahil lumipas na ang mga taon na kinaawaan ko ang sarili ko dahil sa sinasabi ng iba. Tapos na ang mga araw na pinakikinggan ko sila at wala na akong balak makinig pa. Nakita ko na ang Kagandahan na meron ako at wala na makakaagaw nun sa akin, dahil matagal ko nang natanggap kung sino at ano ako - anu man ang tingin ng iba. Hindi tayo mabubuhay sa maaaring iutos ng mundo sa atin. Mabubuhay tayo sa inuutos at sinisigaw ng mga puso natin - Mahalin mo ang iyong sarili bago mo mahalin ang iba.?? Narito po sa inyong harapan, KAKAI BAUTISTA — Tambay ng PACITA!Aaaay chenk u!???????????? #dentaldiva #confidenceispower #strokesbymomoisupe #gandangauraruz

A post shared by Catherine Bautista (@ilovekaye) on

Kasabay nito ay inibinahagi ni Kakai ang maikling selfie video kung saan kumpiyansa niyang ipinakita ang kanyang no-make-up look paggising sa umaga.

Aniya, "Hey to you! Yes to you! You have a beautiful fezlak don’t forget that."


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN