Character actor Spanky Manikan dies at 75

IMAGE File

Acclaimed veteran actor Spanky Manikan—who battled with stage four lung cancer—passed away on Sunday morning, January 14.


Pumanaw na ang acclaimed veteran actor na si Spanky Manikan bandang 11:41 a.m. ngayong Linggo, January 14.

Siya ay 75 taong gulang.

Sa Facebook posts ng ilang malalapit na kaibigan ni Spanky, nakasaad na ang mismong misis ng respetadong aktor na si Susan Africa ang nagkumpirma ng malungkot na balitang ito.

Narito ang kopya ng Facebook post ng beteranong aktor na si Joel Saracho:

Noong Biyernes, January 12, nagkaroon ng prayer brigade sa Facebook ang mga kasamahan ni Spanky sa industriya dahil sa nabalitang kritikal na kundisyon nito.

Naka-confine si Spanky sa Makati Medical Center sa Makati City, at nakaranas pa ng “seizure” at “semi-conscious” ang beteranong actor noon, ayon sa Facebook post ng theater actress na si Gardy Labad.

BATTLE WITH LUNG CANCER. August 2017 nang maiulat na may sakit na stage four lung cancer si Spanky.

Isang malapit na kaibigan at kasamahan sa industriya na si Nanding Josef ang naghayag na sumasailalim noon si Spanky sa chemotherapy.

Sabi sa isang bahagi ng Facebook post ni Nanding na may petsang August 4, 2017: "Spanky, 75 years old has been diagnosed with lung cancer, stage 4, and is in need of financial assistance.

"He has been hospitalized 4 times already for various complications which has drained family savings (Spanky's loving wife, who has been by his side all this time is fellow actor Susan Africa-Manikan).

"Though Spanky is slowly getting better, he needs 6 more cycles of chemotherapy.

"He is still confined in the hospital for pleural (lung) fluid drainage."

Huling napanood si Spanky sa GMA Network primetime series na My Love From The Star, kung saan gumanap siya bilang Mr. Jang, ang matalik na kaibigan ni Matteo Domingo, na ginampanan ng baguhang aktor na si Gil Cuerva.

Ngunit umeere pa noong July 2017 ang teleserye nang kinailangang iwan ni Spanky ang kanyang ginagampanang karakter dahil sa lumalalang health condition niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

COLORFUL ACTING CAREER. Nakilala ang galing sa pag-arte ni Spanky sa kanyang supporting roles sa Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag (1975) at Bona (1985), na parehong idinirehe ng yumaong acclaimed director na si Lino Brocka.

Kabilang din siya sa mga pelikula ng isa pang yumaong acclaimed director na si Ishmael Bernal, tulad ng Himala (1981) at Broken Marriage (1983).

Itinanghal si Spanky na Best Supporting Actor ng 1981 Metro Manila Film Festival para sa Himala.

Naipamalas din ni Spanky ang kanyang galing sa pag-arte sa telebisyon.

Sa GMA-7, ilan sa mga kinabilangan niyang teleserye ay ang Majika (2006), Zaido: Pulis Pangkalawakan (2007), Amaya (2011), Pari 'Koy (2015), at Alyas Robin Hood (2017).

Sa ABS-CBN, napanood din si Spanky sa Sa Dulo Ng Walang Hanggan (2001), Krystala (2004), Lobo (2008), Tayong Dalawa (2009), May Bukas Pa (2010), Walang Hanggan (2012), Honesto (2013), Ikaw Lamang (2014), at FPJ's Ang Probinsiyano (2016).

Nagsimula ang karera ni Spanky sa teatro at una siyang naging bahagi ng Halimaw, isang stage play sa ilalim ng produksiyon ng Philippine Educational Theater Association (PETA).


Stories We Are Tracking

Spanky Manikan diagnosed with stage 4 lung cancer
Spanky Manikan diagnosed with stage 4 lung cancer


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN