Carlo Aquino admits relationship with non-showbiz girlfriend is on the rocks

IMAGE Noel Orsal

Carlo Aquino tries to keep mum about the status of his relationship with longtime non-showbiz girlfriend: "Ano lang siguro, may inaayos."


Naiilang at umiiwas si Carlo Aquino nang tanungin kung sila pa rin ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Kristine Nieto.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang online reporters si Carlo noong Huwebes, January 11, para sa upcoming movie nila ni Bela Padilla na Meet Me in St. Gallen.

Habang pinag-uusapan ang pakikipagrelasyon, hindi naiwasang kumustahin si Carlo at ang longtime girlfriend niyang si Kristine.

Napatahimik saglit si Carlo bago niya sagutin, “Ano lang siguro, may inaayos.”

Sinabi ng reporters na gusto lang linawin ang estado ng kanilang relasyon para maayos itong maisulat.

Ngunit pakiusap ng Kapamilya actor, “Huwag na lang siguro nating isulat.”

Pagkatapos ay matipid pa niyang sinabi tungkol sa kanila ng girlfriend niya, “Nag-uusap lang kami.”

Bago muling ibalik ang usapan sa pelikula, nakiusap si Carlo sa online entertainment reporters, “Puwede bang huwag nang pag-usapan.”

Halos ganito rin ang naging reaksiyon ng Kapamilya actor nang tanungin siya ng ABS-CBN writer na si Darla Sauler.

Naiilang niyang sinabi, “Okay naman, tinitingnan lang namin kung anong puwedeng mangyari.”

Sa nakaraang panayam ng PEP.ph kay Carlo, inamin niyang nagli-live in na sila ng kanyang girlfriend.

Ngunit tila wala pa sa plano ang pagpapakasal dahil, aniya, “Mag-iipon muna. Marami pa kaming plano.”


Stories We Are Tracking

Carlo Aquino closer now to ex-GF Angelica Panganiban
Carlo Aquino closer now to ex-GF Angelica Panganiban


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN