Vice Ganda asks Ronnie Alonte: "Virgin ka pa ba?"

IMAGE Noel Orsal

Vice Ganda puts Ronnie Alonte on hot seat with virginity question.


Direktang tinanong ni Vice Ganda, 41, kung mayroon nang sexual experience ang Hashtags member na si Ronnie Alonte, 21.

Base ito sa episode ng ABS-CBN Sunday talk show na Gandang Gabi Vice (GGV) kagabi, January 14, kung saan guests sina Ronnie, Donny Pangilinan, at Ricci Rivero.

Kinilala ang tatlo bilang "heartthrobs" ng kanilang henerasyon—si Ronnie ay bahagi ng all-male dance group na Hashtags; showbiz newbie si Donny; at basketball varsity player ng De La Salle University si Ricci.

Tanong ni Vice, “Virgin ka pa ba, Ronnie?"

Halatang nasorpresa si Ronnie, ngunit natatawa rin ito sa walang-gatol na personal na pagtatanong ni Vice.

Bulalas ni Ronnie, “Grabe yung tanong sa akin! Ba’t ganyan yung tanong mo sa akin?”

Kilalang magkapalagayan ng loob ang dalawa, lalo't magkatrabaho rin sila sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

Hirit ni Vice, “E, di tanungin mo ko kung virgin pa ako if you want! I can always deny naman, di ba?”

Pangungulit pa ng box-office star, "They wanna know. Your fans wanna know.”

ELUSIVE RONNIE. Alanganing paliwanag ni Ronnie, “Hindi, siyempre...”

Naputol ang dapat sanang pahayag ni Ronnie nang biglang humirit ulit si Vice, “So, hindi na?”

Tila balak sanang linawin ni Ronnie na “hindi” niya direktang sinasagot ang maselang katanungan ni Vice.

Pero imbes na magpaliwanag pa, naiiling na sabi na lang ni Ronnie sa GGV host, “Ewan ko sa ‘yo!”

Pagkatapos ay inihayag ni Vice ang konteksto ng takbo ng kanilang Q&A.

Aniya, “Kasi, di ba, pag sa lalaki... Siyempre, sa babae importante yun, di ba?

"Kumbaga kini-keep nila yun kasi importante sa kanila yun."

Buwelta naman ni Ronnie, “So, sa akin hindi importante?”

BOYS' TALK? Patuloy na paliwanag ni Vice, tipikal daw kasi sa mga lalaking magkakabarkada ang mapagkuwentuhan ang tungkol sa kani-kanilang nagugustuhang babae.

At normal na napag-uusapan din daw ng mga magbabarkadang lalaki kung sino sa kanila ang mayroon nang sexual experience o wala pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag sa lalaki, di ba, parang niloloko kayo ng grupo niyo.

"Kunwari, 18 na kayo. ‘Virgin ka pa? Yuck, pare! Kadiri ka.’ Naggaganunan yung lalaki.”

Ngunit nanatiling tikom ang bibig ni Ronnie at maging sina Donny at Ricci. 

Sa huli, balik-tanong ni Ronnie kay Vice, “Ikaw, virgin ka ba?”

Idinaan ni Vice sa biro ang kanyang sagot at sinabing, “My god! Not yet. Hahaha! ‘Are you still a virgin?’ ‘Not yet. No, I mean, later!’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN