Robin Padilla laments lack of respect from young stars: "Nung panahon natin, bawal yun."

IMAGE Noel Orsal

Robin Padilla, 48, says he was ignored many times by today's young stars. "Nasasalubong ka sa elevator. Parang, 'Di yata ako napansin ng batang yun, ah!' Parang gusto mong kalabitin pa, e, 'Ay, ako po si Robin Padilla po.'"


Saksi raw si Robin Padilla sa maraming kabataang artista ngayon na hindi marunong bumati sa mga beteranong artistang kagaya niya.

Siya raw mismo ay ilang beses nang nakaranas na “dinaanan” lang ng mga bagong artista at hindi man bumati para magbigay-galang.

“Ngayon kasi, medyo may kulang dun, e,” pahayag ni Robin nang banggitin ang pagkakaiba ng mga artista noon at mga artista ngayon.

“Mga bata pa, pag nakita mo, di ka pinapansin.

“Nasasalubong ka sa elevator. Parang, ‘Di yata ako napansin ng batang yun, ah!’

"Parang gusto mong kalabitin pa, e, ‘Ay, ako po si Robin Padilla po.’

"Ganun lang. Hindi mo naman pinipilit sila."

Naranasan na ba niya ito mismo?

“Madami na po. Madami na,” sagot niya.

Nalulungkot daw siya sa ugaling ito ng young stars.

Pahayag ng 48-year-old actor, “Nalulungkot ako, kasi nung panahon natin, bawal yun!

"Pagagalitan ka ng produksiyon mismo, [si] Boss Vic mismo kakausapin ka, di ka puwedeng bastos sa matatandang artista."

Si "Boss Vic" ay si Vic del Rosario Jr., ang may-ari ng Viva Films, kung saan ginawa ni Robin ang ilan sa kanyang biggest hits, gaya ng Maging Sino Ka Man (1991), Ang Utol Kong Hoodlum (1991), Di Na Natuto (1993), at Pagdating ng Panahon (2001).

Patuloy ni Robin, “Siyempre, lumaki tayo dun, tumanda tayo dun, pumuti ang buhok natin dun.”

Nilinaw ng aktor na hindi niya inoobliga ang mga bagong artista, pero hinahanap niya ang ganoong ugali.

“Hinahanap mo lang yun, pero hindi ko naman ho inoobliga yung mga bata.

"Naku, baka ako ay mabanatan, ma-bash pa rito... hindi po.

“Huwag niyo akong pansinin. Walang problema ho sa akin. Hindi isyu ‘yan.

"Napag-usapan lang namin, kaming mga matatanda, pero hindi pinupuwersa," may halong birong sabi ng action star.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Robin sa grand press conference ng Sana Dalawa Ang Puso, ang upcoming ABS-CBN teleserye na pinagbibidahan din nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginanap ang presscon sa 9501 restaurant ng ABS-CBN noong Sabado, January 13.

PROUD OF HIS AGE. Hindi raw ikinahihiya ni Robin ang kanyang edad at pagiging beterano na sa showbiz.

Saad niya, “Kasi dapat proud tayo.

"Ako, masaya ako kasi andito pa ko sa showbiz. Naabutan ko pa sila.

"Kaya wala akong ginagawa kundi magpasalamat, kasi malaking blessing na abutan sila.

“Hindi ko ipagkakaila kung ano ang edad ko.

“Para sa akin kasi, asset yun.

"Tsaka siguro naman, merong kaakibat na magandang pagpapaliwanag yung edad natin.

“Meron na rin tayo siguro mga konting topic na puwedeng magsalita, may authority magsalita.

"Katulad, halimbawa, tinanong mo kung bakit tayo tumatagal, siguro nga, yung humility sa atin.

“Kasi sa panahon natin, old school, ganun ang mga artista. Talagang lagi," pahayag ng aktor. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN