Jake Zyrus accepts 2012-2017 photo challenge to show transformation

IMAGE Instagram

Jake Zyrus posts 2012-2017 photo challenge to show how much he has changed in a span of five years. 


Idinaan sa biro ni Jake Zyrus ang kanyang transformation mula sa pagiging babae hanggang sa pagiging transgender man sa pamamagitan ng social media.

Nag-post ang singer sa Instagram ng photo challenge para ipakita ang pagbabago ng kanyang hitsura mula 2012 hanggang 2017.

Gaya ng ibang netizens, sumali si Jake sa photo challenge na “post a pic of you from 2012 and 2017 and see how much you’ve changed.”

Sa photo collage ng 25-year-old singer, magkatabi ang larawan niya nang kilala pa siya bilang Charice Pempengco at ang larawan ng kanyang bagong katauhan, si Jake Zyrus.

Tinawag niyang “pinakamasayang pagbabago” sa kanyang buhay ang pagpapalit ng kanyang sexual preference.

Caption ni Jake sa larawan: “2012 | 2017. Sister ko nga pala. Si Charice. Hahahahaha! Joke lang.

"I love this. Ang pinakamasayang pagbabago sa buhay ko. enjoy, laugh or whatever u wanna feel sa photo na ito.

"Looking at these photos makes me feel so happy and fulfilled. Hay. Love you guys!”

October 2013 nang inamin ni Charice na isa siyang lesbian.

Niyakap naman ng singer ang kanyang bagong identity bilang Jake Zyrus noong 2017.

Isa pang Instagram post ang ginawa ng singer tungkol sa patuloy ng kanyang pagbabago.

Nag-post siya ng picture habang nagwo-workout sa gym.

Sa caption, sinabi ni Jake na sinubukan niyang magpapayat dati para matuwa ang ibang tao sa kanya, pero hindi siya sumaya rito. 

Hindi man siya payat, pero masaya raw siya sa pagiging “thick boy.”

Plano rin daw ni Jake na magkaroon ng kaunting muscles sa katawan.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN