Mariel Rodriguez calls out netizens for dragging daughter into Robin Padilla's PGT issue

IMAGE Instagram photo of Mariel Rodriguez-Padilla

Mariel Padilla sends out message to haters of Robin Padilla dragging their daughter's name in the Pilipinas Got Talent issue. She says, "Okay lang na maglabas kayo ng mga opinion niyo, no problem, kasi opinion niyo yan. Pero para idamay ang anak ko na walang kasalanan sa mundong ito! Below the belt."


Umalma si Mariel Rodriguez sa pagkakadawit ng anak nila ni Robin Padilla sa isyung kinasasangkutan ng aktor kaugnay ng episode ng Pilipinas Got Talent noong Sabado, January 13.

Sa naturang episode ng weekly talent search ng ABS-CBN, pinagsabihan ni Robin ang Korean contestant na si Kim Jiwan, na may sampung taon nang naninirahan sa Pilipinas, na matutong magsalita sa Tagalog.

Sabi ni Robin kay Jiwan, "Hijo, Pilipinas Got Talent. Mag-Tagalog ka kasi magmumukha kaming katawa-tawa kung mag-i-Ingles kami dito para sa iyo.”


Stories We Are Tracking

Robin incurs wrath of netizens for humiliating Korean in PGT
Robin incurs wrath of netizens for humiliating Korean in PGT

May mga netizen at manonood na hindi nagustuhan ang asal ni Robin. Pinahiya raw nito ang isang binatang walang pangalan at banyaga pa.

Ilan sa kanila ay binanggit na ang isang-taong-gulang na anak nina Robin at Mariel, si Maria Isabella, dahil ipinanganak ito sa Amerika.

Kung talagang makabayan raw si Robin, gaya ng sinasabi nito, bakit sadyang iniluwal ang anak nito sa Amerika?

Sa pamamagitan ng Instagram post, naglabas ng galit ang misis ni Robin.

Pahayag ni Mariel, “Ano ba ang ikinakagalit niyong lahat? Dinamay niyo pa yung anak kong inosente!

“Okay lang na maglabas kayo ng mga opinion niyo, no problem, kasi opinion niyo 'yan.

“Pero para idamay ang anak ko na walang kasalanan sa mundong ito! Below the belt.”

Ngunit hindi sinagot ni Mariel ang isyu ng netizens sa pagkakapanganak ng bata sa Amerika.

Sa halip, tinukoy ng TV host ang sinasabi niyang intensiyonal na pag-atake ng bashers sa kanyang anak imbes na mag-focus sa isyu.

Sabi ni Mariel, “No mother should ever receive ill wishes for her child no matter what the circumstances are.

“I learned that in Islam, it is all about your INTENTIONS... and Robin did not have any intention to cause anyone pain.

"But you guys sending hate our way even including my child is purely intentional so good luck sa inyo in your afterlife.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DEFENDING ROBIN. Sa post ding ito, dinepensahan ni Mariel ang pagiging makabayan ng asawa.

Paliwanag niya, “In my opinion, Robin was being true to himself.

“Si Robin magpapakamatay 'yan para sa Pilipinas... si Robin ibibigay niya buhay niya para sa mga katutubo, sa mga kapatid... sa mga Pilipino. Ganun si Robin.

“It is very hard to understand his passion when it comes to his love for the country... pero pagkatapos ng pag-ibig niya sa Allah, susunod ang pag-ibig para sa bayan.

"More than family, more than self, more than anything (except God), pinakamahal ni Robin ang Pilipinas.”

Binanggit din ni Mariel ang insidenteng nangyari sa Pilipinas Got Talent upang ipaliwanag ang naging asal ng kanyang asawa.

Sabi niya, “If you watch the whole clip, he was being a very fair judge when it came to the talent of the Korean contestant.

“He humbled himself and said 'pasensya ka na' even added 'isipin mo na lang na tatay mo ako sa Pilipinas at napagsabihan ka ng tatay mo.'”

Sa huli, muling inihayag ni Mariel ang kanyang matinding suporta sa asawa.

“While you guys are bashing away Robin is busy rebuilding Marawi. People with REAL PROBLEMS!

“And no your bad comments are not welcome on my page.

“To my husband... we stand by you 100%”

Our cable was down over the weekend and I have been so busy taking care of my baby that I only had the chance to watch the clip of PGT today. In my opinion Robin was being true to himself. Si Robin magpapakamatay yan para sa Pilipinas... si Robin ibibigay niya buhay niya para sa mga katutubo, sa mga kapatid... sa mga Pilipino. Ganun si Robin. It is very hard to understand his passion when it comes to his love for the country... pero pagkatapos ng pagibig niya sa Allah, susunod ang pag-ibig para sa bayan, more than family more than self more than anything (except God) pinaka mahal ni Robin ang Pilipinas. If you watch the whole clip he was being a very fair judge when it came to the talent of the korean contestant. He humbled himself and said “pasensya ka na” even added “isipin mo na lang na tatay mo ako sa Pilipinas at napagsabihan ka ng tatay mo” so ano ba ang ikinakagalit niyong lahat? Dinamay niyo pa yung anak kong inosente! Okay lang na mag labas kayo ng mga opinion niyo no problem kasi opinion niyo yan. Pero para idamay ang anak ko na walang kasalanan sa mundong ito! Below the belt. no mother should ever receive ill wishes for her child no matter what the circumstances are. I learned that in Islam it is all about your INTENTIONS... and Robin did not have any intention to cause anyone pain but you guys sending hate our way even including my child is purely intentional so goodluck sa inyo in your afterlife. While you guys are bashing away Robin is busy rebuilding Marawi. People with REAL PROBLEMS! And no your bad comments are not welcome on my page. To my husband... we stand by you 100%

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla) on

Samantala, sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang online reporters kay Robin noong Sabado, January 13, sinabi nitong hindi niya pinagsisisihan ang ginawa sa Pilipinas Got Talent.

Aniya, "Wala akong pinagsisihan, kasi ako, pumupunta din ako sa ibang bansa.

"At pag pumupunta ako sa ibang bansa, pinipilit kong malaman kung ano yung salita dun kasi bisita ka run, e. Ikaw ang makikibagay.

"Kung pupunta ka sa Pilipinas at uutusan mo kami at i-Inglisin mo kami sa banyagang pananalita, e, baka nagkakamali ka, kasi bayan ko 'to.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bayan ko 'to at handa akong mamatay anytime para sa bayan ko.” 


Stories We Are Tracking

Robin no regrets about scolding Korean contestant on <em>PGT</em>
Robin no regrets about scolding Korean contestant on PGT
Robin finds ally in British national on <em>PGT</em> issue
Robin finds ally in British national on PGT issue


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN