Theater actress Teetin Villanueva deletes negative IG comment on ex-boyfriend JC Santos

IMAGE Courtesy: @teetinv on Instagram / Noel Orsal

JC Santos still mum about cheating charges of ex-girlfriend Teetin Villanueva.


Binura na ni Kristine "Teetin"Villanueva ang kanyang mga pasaring sa Instagram laban sa ex-boyfriend na si JC Santos.

Kabilang na rito ang pag-aakusa ng theater actress sa dating nobyo na hindi mapagkakatiwalaan dahil umano sa pambababae nito.

Sa naburang comment, sinabi ni Teetin sa kanyang Instagram followers noong January 9 na hindi lang isa ang naging third party sa hiwalayan nila kundi marami pa raw iba.

Kasama na raw rito ang stylist ni JC na, ayon kay Teetin, “She’s just one of the many. Plural.”

Dagdag pa ng theater actress, hindi na sila maaaring magkabalikan pa ng aktor.

Saad ni Teetin, “He can’t be trusted. So… NO, there’s no way we’re getting back together.”

Pero burado na ang mga komentong ito sa kanyang post na “Time discovers truth.”

Deactivated na rin ang comment button sa post na ito. 

TOGETHER AT THE BEACH? Sa nasabing post ni Teetin, may nagkomento namang pareho raw nasa beach noong mga panahong iyon si JC at ang stylist nitong inuugnay ng netizen sa aktor.

Pero ayon kay Teetin, wala itong katotohanan.


 

Noong Sabado, January 13, nag-post si JC ng kanyang larawan na kuha sa El Nido, Palawan.

A post shared by JC Santos (@j.c.santos) on

Nag-post din sa Instagram story ang stylist ng aktor ng kanyang beach photo, ngunit hindi malinaw kung kuha rin ito sa El Nido o kung kailan ito kinunan.

Nagpadala na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kina JC, Teetin, at sa stylist ng aktor para sa kanilang pahayag.

Hanggang ngayon ay hindi pa sila tumutugon sa aming mensahe.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN