Fashion Czar of Asia Jose 'Pitoy' Moreno dies at 87

IMAGE Courtesy: Pitoy Moreno on Facebook

Pumanaw na ang isa sa pinakamagaling na Pinoy designers, si Pitoy Moreno, sa edad na 87. 


Pumanaw na ang tanyag na Filipino fashion designer na si Jose "Pitoy" Moreno ngayong Lunes ng hapon, January 15.

Siya ay 87.

Wala pang detalye kung ano ang ikinamatay ni Pitoy.

Noong 2014 ay nagkaroon ng balitang na-coma siya, ngunit agad itong pinabulaanan ng mga malalapit niyang kaibigan.

Nakaratay lamang daw ito sa ospital, hindi nakapagsasalita, ngunit matalas pa rin ang pandinig. 

Si Pitoy ay kinilalang National Artist noong 2009.

Siya ang ikalawang ginawaran ng ganitong pagkilala sa larangan ng fashion design. Ang una ay si Ramon Valera noong 2006.

Si Pitoy ay kilala sa kanyang mga gawang Barong Tagalog at Maria Clara gowns simula pa noong 1950s.


Siya ang gumawa ng mga kasuotan ng Bayanihan Philippine Dance Company, kung saan naipakita nito ang kagandahan ng mga kasuotang Pilipino.

Siya ang kauna-unahang presidente ng Philippine Couture Association.

Ang kanyang mga collection ay nakaikot na sa iba’t ibang bahagi ng mundo, katulad na lamang sa Paris, London, Rome, Madrid, Copenhagen, Athens, Barcelona, Sweden, Vienna, Moscow, New York, Chicago...

Washington D.C., San Francisco, Los Angeles, Tehran, Morocco, Honolulu, Tokyo, Hong Kong, Bangkok, Kuala Lumpur, Singapore, at China.

Na-feature ang kanyang mga creation sa mga sikat na international fashion magazines, katulad ng Vogue, Harper's Bazaar, Holiday, Le Figaro, at Women's Wear Daily, kung saan ang kanyang mga obra ay gawa sa jusi, piña, at lepanto.

Nabihisan na rin niya ang ilang First Ladies at nobility ng ibang bansa. Kasama rito sina Nancy Reagan, Pat Nixon, Bettty Ford, Queen Sirikit of Thailand, Queen Margarretta of Bulgaria, Queen Sophia of Greece, Princess Margaret of Britain, Princess Suga of Japan, the Marquesa de Villaverde, Cristina Ford, Margot Fonteyn, at Deeda Blair.

Halos lahat ng First Ladies ng Pilipinas at Filipina beauty queens ay nabihisan din ni Pitoy.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN