Teresita Ssen Marquez explains why she skipped Boulevard Carnaval in Bolivia

IMAGE Teresita Ssen Marquez Instagram

Isa sana si Reina Hispanoamericana 2017 Teresita Ssen Marquez sa headliners sa gaganaping Boulevard Carnaval sa Bolivia ngayong Martes ng umaga, January 16. Ngunit kinailangan na niyang bumalik sa Pilipinas matapos ma-postpone ang naturang event kahapon dahil sa masamang panahon.


Isa dapat si Reina Hispanoamericana 2017 Teresita Ssen Marquez sa mga headliner ng Boulevard Carnaval sa Santa Cruz dela Sierra, Bolivia, noong January 14.

Pero hindi natuloy ang partisipasyon ng Filipina beauty queen-actress dahil kailangan na niyang bumalik sa Pilipinas.

Ang Boulevard Carnaval ang longest runway sa Bolivia at una sa maraming karnabal ng 2018 sa Bolivia.

Ang Promociones Gloria ang organizer ng Boulevard Carnaval at pati ng Reina Hispanoamericana, kaya imbitado si Teresita, na isa sana sa main attractions at inaasahang maging headliner sa lahat ng diyaryo at entertainment websites ng Bolivia.

Walumpung naggagandahang babae—na pangungunahan ni Teresita—na mga sikat na artista at modelo sa Bolivia ang kasali sa Boulevard Carnaval.

Pero hindi ito nangyari noong January 14 dahil sa masungit na lagay ng panahon.

I was told that I am the first Filipino to be invited as a special guest at the DAKAR (The world’s toughest and biggest rally) I was also given a recognition from Bolivia’s President and Vice President. I am also the First Filipino to be part of the pre carnaval presentation called BOULEVARD CARNAVAL (a show full of culture, tradition and beauty. It’s the longest catwalk in Bolivia) ?? It was such a rough week super rough week for me but isipin nalang ang positive side ng lahat. Thankful ako na 2 event na never ko na imagine na magiging part ako, naging part ako. ???????? i am so excited to just dance and do my pasarela later at the Boulevard Carnaval!???? ????: @spottedmagph #ReinaTeresita #PrimeraFilipina ????????

A post shared by Teresita Ssen Winwyn Marquez (@teresitassen) on

Nagdesisyon ang organizer ng malaking event na ituloy ang Boulevard Carnaval kinabukasan, January 15 (Tuesday morning, January 16, sa Pilipinas).

Sa kasamaang-palad, kailangan nang bumalik ni Teresita sa Pilipinas dahil, kung hindi, magkakaroon siya ng problema sa flight niya at maaapektuhan ang kanyang ibang commitment.

Ikinalungkot ni Teresita ang hindi inaasahang problema dahil siya ang kauna-unahang Pilipinang imbitado na rumampa sa longest runway sa Bolivia at pinaghandaan niya nang matagal ang much-anticipated event.

Sa pamamamgitan ng Instagram ay ipinaliwanag ng Reina Hispanoamericana 2017 kung bakit hindi na siya makakasama sa Boulevard Carnaval.

Kalakip ng post na ito ang larawan niyang suot ang costume na susuotin niya sana.

Pahayag ni Teresita sa kanyang Instagram post, “Due to the bad weather yesterday the Boulevard Carnaval was moved today

"pero hindi na po ako makakasali dahil naka schedule ang 3 connecting flights ko ngayon na umaabot ng 3 days ang byahe and mahirap na i-rebook dahil sa oras

"kaya kinakailangan na makauwi today plus meron din hinahabol na work sa Pilipinas kaya nag-decide din kami ng RHA na umuwi na din ako para makasiguro ako sa flight.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Isa toh sa mga susuotin ko for the show and may 3 pang napakagaganda na damit ng carnival pero hindi ko na maipapakita.

“It’s sad but nagpapasalamat pa din ako sa sa week na toh kahit ang daming nangyari, may purpose din bakit nangyari toh di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN