Marco Gumabao rooting for sister Michele's Binibining Pilipinas 2018 bid

IMAGE Nikko Tuazon (left frame) / @gumabaomichele on Instragram (right frame)

Marco Gumabao on Michele Gumabao's Binibining Pilipinas 2018 bid: "I'm happy for her kung yun talaga yung gusto niya, di ba? Support ako."


Excited na ang Viva Artists Agency talent na si Marco Gumabao para sa kapatid nitong si Michele Gumabao.

Kabilang si Michele sa 40 official candidates ng Binibining Pilipinas 2018, na gaganapin sa March 18.

Ayon kay Marco, isa siya sa mga unang nakaalam ng plano ni Michele na sumali sa naturang pageant.

Kuwento niya, "Actually, ako yung isang sa pinakaunang nakaalam, kasi yung kumuha sa kanya, nagtanong sa akin.

"So, I had an idea na before, pero I didn't know na nag-decide na pala siya [na ituloy].

"Nagulat ako nung nakita ko sa social media."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marco sa book-signing event ni Brooklyn Beckham para sa libro nitong What I See, na ginanap sa flagship store ng Bench sa Bonifacio High Street, Taguig City, noong Sabado, January 13.

Ayon kay Marco, sa ngayon ay busy si Michele sa paghahanda para sa pageant kaya naman todo ang suporta niya rito.

"Diet nang diet, hindi kumakain, nagpapapayat.

"Ako, happy naman ako for her.

"I think she can bag an award and good luck sa kanya, and we'll be here supporting her."

Dagdag pa nito, "I'm happy for her kung yun talaga yung gusto niya di ba? Support ako.

"Basta kung anong kailangan niya from me, if she needs me to post or attend events, I will.

"As of now, wala pa naman siyang hinihingi from me. Basta ako, I'd be happy to help."

Hiling naman nitong sana ay Miss Universe Philippines crown ang maiuwi ng kapatid.

Pahayag ni Marco, "Siyempre Miss Universe, di ba! Go for gold, Universe tayo.

"I'm sure na makaka-place siya."

FREELANCE ACTOR. Samantala, excited din si Marco para sa bago niyang teleserye na ipalalabas ngayong taon.

Hindi muna nagbanggit ng anumang detalye ang 23-year-old actor tungkol sa kanyang upcoming TV project, kahit ang TV network kung saan ipalalabas ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Actually this year, I'm working with a teleserya naman, pero di pa puwede ibanggit.

"So, abangan niyo na lang, abangan niyo rin kung saang station."

Dagdag pa ni Marco, "Yung mismong bida ng show, may show pa, so kailangan munang tapusin.

"Yun na lang muna yung clue ko."

Masaya raw si Marco bilang isang freelance actor pagkatapos niyang umalis sa Star Magic ng ABS-CBN.

Pahayag niya, "I'm happy, I'm happy with my move now.

"I'm not saying na I wasn't happy with Star Magic, pero I think right now, I feel like it's moving forward the way I want it to be."

Pagkatapos niyang umalis sa Star Magic ay napanood si Marco sa ilang Kapuso shows, katulad ng All Star Videoke at Wish Ko Lang.

Ayon kay Marco, ikinatutuwa niyang makilala ang Kapuso artists lalo't magaan katrabaho ang mga ito.

"Okay naman, it's fun. You get to work with both networks.

"You meet more people and work with more people also.

"At first, it was nakakahiya, kasi wala ako masyadong kakilala and hindi ko sila masyado ka-close.

"Pero okay naman kasi they're really welcoming and masaya sila kasama sa trabaho. Light, super light."

Hindi naman daw nahirapan si Marco na mag-adjust sa tuwing kukunin siyang guest sa Kapuso shows.

Paliwanag niya, "Ako naman, I can get along with any person naman.

"So, hindi naman ako nahirapan with being friends with other people, so okay lang naman sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN