Netizens speculate on reasons for James Reid-Nadine Lustre movie shoot pack-up

IMAGE Noel Orsal

Inakusahan ng ilang netizens si James Reid na siyang dahilan sa pagka-delay ng shooting ng pelikula nila ng girlfriend na si Nadine Lustre. 


Ikinalungkot ng fans nina James Reid at Nadine Lustre ang pagkaantala ng shooting ng kanilang follow-up movie na Never Not Love You (na unang napabalitang may titulong Here’s To The Fools), sa direksiyon ni Antoinette ‘Tonet’ Jadaone.

Katunayan, na-pack up ang nakatakda sanang shooting nila noong Sabado, January 13, sa hindi malamang dahilan.

Si Direk Tonet pa mismo ang nag-anunsiyo sa pamamagitan ng kanyang Twitter account na nakansela ang shooting ng pelikula at ikinalungkot niya ito.

Ayon sa direktor, “Woke up to know pack up ang shoot bigla. Now what to do today? Pwede bang ngayon na lang gig ni Ebe huhuhu.”

Nitong nakaraang Lunes, January 15, naghayag ng kanyang kalungkutan si Direk Tonet tungkol sa pagka-delay ng shooting ng kanilang pelikula.

Sa pamamagitan ng kanyang blog na www.ilayailawa.wordpress.com, sinabi ng TV and film director na naiyak siya sa pangyayari.

Saad niya, “Filming for #foolishmovie is becoming erratic. Sayang, andun na ang momentum eh.

“More and more shooting days cancelled – some reasons more heartbreaking than others, so heartbreaking they make me cry. Or maybe I am just being overly dramatic, or that’s just really how I value pelikula.”

Isa raw ito sa dream projects ng female director at ipinagdasal pa raw niya ito.

“I’m just worried. I hope I sustain my excitement for as long as I can.

“I know myself too well – I work better when I am excited, when I am inspired. Lord, grant me patience.

“I pray for this movie. I pray for myself too. Take it easy, teh.”

Sa ngayon, baka mag-focus na lamang muna si Direk Tonet sa iba niyang pet projects na hindi niya napagtuunan ng pansin.

Aniya, “For the mean time, I guess I should channel my energies towards another project?

“Make my heart flutter again? Maybe it’s time to re-visit Project Boldstar or Project Soulmate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tutal ang tagal nang nasa baul. Baka hinog na. Was reading reviews and articles on The Florida Project (ugh, what a great – but more importantly, inspiring – film) at napaisip ako sa Boldstar. 

“Nang ganun-ganun na lang ha. So baka nga kailangan ko nang upuan uli. Hindi pa ako super excited pero baka darating din ako dun. Mabuti na ‘to kaysa kain lang ako nang kain habang nabuburyong, ‘di ba?”




 

SPECULATIONS. Ngayong Martes ng hapon, January 16, isang anonymous source ang nagpadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng ilang screenshots ng pag-uusap ng dalawang netizens sa Instagram direct messaging.

Naglalaman ito ng diumano’y dahilan kung bakit hindi nakasipot si James sa shooting.

Ayon sa palitan ng mensahe, dahil daw sa "sobrang lasing" ng actor-singer kaya hindi ito nakapag-shooting.




 

Ayon naman sa komento ng ibang Instagram users, namataan daw si James na may kasamang ibang babae sa isang bar sa Makati City noong Linggo ng gabi, January 14.


james reid spotted last night ctto

A post shared by JADINE0216 (@jadine0216) on

 

James reid spotted last night at polilya bar ctto

A post shared by JADINE0216 (@jadine0216) on

May nagsabi namang naospital daw si Nadine sa St. Luke’s Medical Center kaya hindi ito nakasipot sa shooting. 

Ngayong araw, January 16, ipinakita ni Nadine ang X-ray ng kanyang spinal column sa kanyang IG Stories na labis ikinabahala ng JaDine fans.


 

Samantala, bumuhos ang mga nangba-bash kay James, pati na kay Nadine, sa latest post sa Instagram ng aktor:










Humingi na ang PEP.ph ng statement mula sa Viva Artists Agency tungkol sa hindi pagkakatuloy ng shooting ng pelikula nina James at Nadine. 

Agad namin itong ilalathala kapag nakakuha kami ng sagot mula sa kanila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN