PDEA arrests suspect in killing of Maine Mendoza's fan

IMAGE Noel Orsal (Maine)/Screengrab from GMA News-Glen Juego (Buckley)

Philippine Drug Enforcement Agency presented to the media the suspect to the murder of Maine Mendoza's fan named Maria Rachelle "Raz" Alfaro. She died of multiple stab wounds in Tanza, Cavite, in March 2017.


Nahuli na ng mga awtoridad ang suspek sa pagpatay sa lider ng fan club ni Maine Mendoza na si Maria Rachelle “Raz” Alfaro.

Iniharap ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa media ngayong Martes ng hapon, January 16, ang suspek na nagngangalang Shanon James Bon Buckley.

Base sa ulat ni Glen Juego ng dzBB, itinanggi ng suspek ang insidente ng pagpatay kay Raz Alfaro noong March 2017.

Giit pa niya, ang ex-girlfriend niya ang gumawa ng nasabing krimen.

Ito ay kinilala noon na si Ngar Yee Chan, na kaibigan umano ng biktima.

Sa ulat ng Saksi noong Marso 2017, ang registered nurse at call center agent na si Raz ay nagtamo ng 17 saksak sa katawan sa isang resort sa Tanza, Cavite. 

Siya ay kinilalang AlDub fan at administrator ng social media accounts ng The MaineGirls Fans Club.

Ayon sa PDEA, bukod sa pagiging suspek sa pagpaslang ay pinaghihinalaan ding supplier ng ipinagbabawal na gamot si Buckley.

Dahil sa pagkakadakip sa suspek na si Buckley, maraming fans ng tambalan nina Maine at Alden Richards ang nagkaroon ng pag-asang magkakaroon na ng hustisya ang pagpaslang sa kapwa nila fan.

Tila ganito rin ang reaksiyon ni Maine sa balita.

Kanina ay ni-retweet ni Maine ang isa sa mga post ng GMA News reporter at gumamit siya ng emoji na nagpapakita ng pagdarasal.

Matatandaang kaisa si Maine sa paghiling ng hustisya para kay Raz noon.

Dumalaw rin siya sa burol ng biktima para makiramay at magbigay respeto sa yumaong fan.


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza joins call for justice for slain fan
Maine Mendoza joins call for justice for slain fan
Maine Mendoza visits wake of slain diehard fan
Maine Mendoza visits wake of slain diehard fan


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN