Billy Crawford on Robin Padilla's Pilipinas Got Talent issue: "I don't think it's my battle to fight."

IMAGE Noel Orsal

Pilipinas Got Talent host Billy Crawford on Robin Padilla's encounter with a Korean contestant: "Ako kasi, naintindihan ko si Kuya Binoe, at naintindihan ko rin ang contestants. So, regardless... hindi mo siya mababalanse. May mga taong sang-ayon, may mga taong hindi. So, sa sariling opinyon na lang."


"Sa totoo lang, I don't think it's my battle to fight."

Ito ang medyo natatawang reaksiyon ni Billy Crawford nang hingan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag tungkol sa isyung kinasangkutan ni Robin Padilla sa isang episode ng Pilipinas Got Talent.

Sina Billy at Toni Gonzaga ang mga host ng nasabing reality talent show sa Kapamilya network..

Si Robin naman ay isa sa mga hurado na kinabibilangan din nina Vice Ganda, Angel Locsin, at Mr. Freddie M. Garcia.

Sa January 13 episode ng Pilipinas Got Talent, pinilit pagsalitain ni Robin ng Tagalog ang isang Korean contestant na sampung taon nang naninirahan sa Pilipinas.

Maraming netizens ang hindi nagustuhan ang inasal ng aktor kaya naman inulan siya ng batikos sa social media. Inakusahan pa siya ng racism at rudeness.

Ngunit pinanindigan ni Robin ang kanyang inasal.


Stories We Are Tracking

Robin incurs wrath of netizens for humiliating Korean in PGT
Robin incurs wrath of netizens for humiliating Korean in PGT
Robin no regrets about scolding Korean contestant on <em>PGT</em>
Robin no regrets about scolding Korean contestant on PGT
Mariel Rodriguez calls out haters of husband Robin Padilla
Mariel Rodriguez calls out haters of husband Robin Padilla

Ayaw na sanang pahabain pa ni Billy ang kanyang pahayag, pero dahil bahagi siya ng Pilipinas Got Talent, hindi pa rin niya naiwasang magbigay ng opinyon tungkol sa isyu.

Sabi niya, "Ako kasi, naintindihan ko si Kuya Binoe, at naintindihan ko rin ang contestants.

"So, regardless... hindi mo siya mababalanse.

"May mga taong sang-ayon, may mga taong hindi.

"So, sa sariling opinyon na lang."

Dugtong pa niya, "Pero sa akin, of course, ang inaalagaan namin ni Toni ay ang contestants.

"Kasi, bago pa sila sumalang, galing sa amin. Pagkatapos nilang sumalang, babalik sa amin.

"We just wanna be there, just to show support to the contestants.

"So, kung anumang nangyari kay Kuya Binoe at dun nga sa isang contestant, that's between them.

"So I can't speak on Kuya Binoe's behalf and I can't speak on the contestant's behalf."

TENSE MOMENT. Inalam ng PEP.ph kay Billy kung ano ang naging atmosphere sa studio nung mga oras na yun.

Saad ng 35-year-old singer-TV host, "Nakaka-tense!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, nakaka-tense siyempre. Matatakot at matatakot ka talaga.

"Alam mo, racism, sexism, and all that happen around the world, sa buong bansa.

"Kung gusto niyong makakita ng tunay na racist, e, punta na lang kayo sa Amerika.

"I've lived there practically my entire life, I've experienced racism, I've experienced discrimination, I've experienced so many things.

"So, tayo lang naman ang medyo napapa-react paminsan-minsan, dinadamdam natin.

"Si Kuya  Binoe, ang pinalabas lang naman niya ay payong ama, di ba?

"Di ba, niyakap niya [yung contestant] after?

"It's understood na, kunyari ako ang nakagawa nun at binawi ko rin sa dulo at niyakap ko, at sinabi kong 'Welcome to the Philippines.' Hindi pa ba sapat yun?

“Medyo natatakot pa rin yung tao. Pero sa akin, at least, nasabi ko sa iyo na gusto kitang tulungan na matuto na magsalita ng kahit konti to communicate."

Nakapanayam si Billy sa contract signing nito bilang isa sa pinakabagong artist ng Viva  Artists' Agency at Viva Entertainment, Inc., na ginanap sa Viva office, sa Tektite Building, Ortigas City, kahapon, January 16.

Limang taon na managerial contract ang pinirmahan niya along with Viva executives na sina Vic del Rosario at Veronique del Rosario-Corpus.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN