Kim Chiu fangirls over Judy Ann Santos: "Umiyak ako sa harap ni Judy Ann!"

IMAGE Twitter photo of Kim Chiu

Kim Chiu's reaction (right) when she got a chance to have a photo with her idol Judy Ann Santos (second from left): "One of my embarrassing/fulfilling moments of my life." Also in this photo are Angelica Panganiban (left) and Bela Padilla (second from right).


Hindi napigilan ni Kim Chiu na ipakita ang kanyang paghanga kay Judy Ann Santos sa premiere ng pelikula ng huli, Ang Dalawang Mrs. Reyes, sa SM Megamall, kagabi, January 17.

Isa si Kim sa mga artistang dumalo sa nasabing event para suportahan ang malapit niyang kaibigang si Angelica Panganiban, na isa pa sa lead actress ng pelikula.

Kasama niyang dumating ang isa pa nilang kaibigan ni Angelica na si Bela Padilla.

Sa backstage, nagkaroon ng pagkakataong makapagpa-picture sina Kim at Bela kina Angelica at Judy Ann.

Pagkatapos nito ay nakipagpalit ng puwesto si Bela kay Kim para magkatabi na sila ni Judy Ann.

Kapansin-pansin ang sobrang kilig ni Kim sa ginawa ng kaibigan.

Sabi pa ni Bela, “Nanginginig si Kim!”

Hinila naman ni Judy Ann si Kim at sinabi, “Lika rito! Parang di tayo magkatabi sa Maggi, tapos ngayon ganyan ka!”

Sa sobrang kilig ni Kim sa pangyayari, nasabi na lang niya, “I cannot smile.”

Hanggang sa Twitter ay damang-dama ang pagiging fangirl ng Ikaw Lang ang Iibigin actress sa Queen of Teleserye ng ABS-CBN.

Sa katunayan, ginamit pa ni Kim ang #lifegoals para ilarawan ang kanyang pagpapaka-fangirl kay Judy Ann.

Aniya, “[I] just had one of my embarrassing/fulfilling moment of my life!!! nung maggi namin tiniis ko eh kanina hindi ko na natiis, salamat sa pag push momsh @padillabela ah!!! bwahhaha umiyak ako sa harap ni judy ann!! shocks!! nakakahiya!!! wahahahha #lifegoals”

Sa kasunod niyang tweet, ikinumpara ni Kim ang moment na ito sa panahong nakita niya sa personal ang paborito niyang singer na si Taylor Swift.

Sabi niya, “Akala ko nung nakita ko si taylor swift lang ako maiiyak!!!! omg meron pa pala!!!!” hahahahah”

Samantala, natuwa naman si Kim sa pelikula ng kanyang kaibigan at ng kanyang paboritong aktres.

Sa Twitter ay inihayag niya ang kanyang opinyon tungkol sa Ang Dalawang Mrs. Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“SOBRANG GANDA NG #angdalawangmrsreyes walang halong biro! nakakatawa sobra na nakaka iyak,” sabi ni Kim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN