Fans appeal to director Tonet Jadaone not to give up on JaDine movie

IMAGE Noel Orsal

Umaasa ang fans nina James Reid at Nadine Lustre na hindi bumitaw ang direktor na si Antoinette 'Tonet' Jadaone sa pelikulang pinagbibidahan ng kanilang mga idolo. 


Umaapela ang JaDine fans sa direktor na si Antoinette ‘Tonet' Jadaone na huwag bumitaw sa pelikulang ginagawa nito, kung saan bida ang kanilang mga idolong sina James Reid at Nadine Lustre.

Kaugnay ito ng tweet ni Direk Tonet noong Sabado, January 13, kung saan inihayag niyang nalungkot siya sa pagka-pack up ng shooting nila ng pelikulang Never Not Love You.

Ang Never Not Love You ang unang pelikula ng JaDine para sa taong 2018.

Ang orihinal na titulo nito ay Five Years Later, na kalaunan ay ginawang Here’s To The Fools at ngayon ay naging Never Not Love You.

Mas lalo pang nangamba ang fans nina James at Nadine nang naglabas ng sama ng loob si Direk Tonet sa kanyang blog noong Lunes, January 15, tungkol sa palagiang pagkaantala ng shooting ng pelikula.

Bahagi pa ng pahayag ni Direk Tonet sa kanyang blog na may titulong 'Anti-climactic': “Filming for #foolishmovie is becoming erratic. Sayang, andun na ang momentum eh.

“More and more shooting days cancelled – some reasons more heartbreaking than others, so heartbreaking they make me cry. Or maybe I am just being overly dramatic, or that’s just really how I value pelikula.”


Stories We Are Tracking

Did James Reid and Nadine Lustre cause movie shoot pack-up?
Did James Reid and Nadine Lustre cause movie shoot pack-up?

SAD JADINE FANS. Sa Twitter, bumuhos ang apela ng fans nina James at Nadine kay Direk Tonet na huwag itong sumuko sa ginagawang pelikula.

Narito ang kanilang mga mensahe para sa female director:











 

Wala pang reaksiyon si Direk Tonet sa mga mensahe ng JaDine fans.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN