Nadine Lustre hints at reason for cancelled shooting of movie with James Reid

IMAGE Noel Orsal

Nadine Lustre took to Instagram to explain the reason why she was unable to shoot for her upcoming movie with boyfriend James Reid last Saturday, January 13. 


Nag-react si Nadine Lustre kaugnay ng mga espekulasyong naglalabasan tungkol sa hindi pagkakatuloy ng shooting ng pelikula nila ng leading man at real-life boyfriend na si James Reid noong Sabado, January 13.

Mismong ang direktor ng pelikula na si Antoinette Jadaone ang nagkumpirmang na-pack up ang shooting, sa pamamagitan ng kanyang Twitter at blog post.

Kasunod nito, naglabasan ang mga espekulasyon tungkol sa dahilan ng pagkakansela ng shooting.

May ilang netizens na nagsabing ang “sobrang kalasingan” diumano ni James ang dahilan kung bakit hindi ito nakasipot sa shooting.

May nagsabi namang nagkasakit si Nadine kaya hindi ito nakarating sa shooting.

May Instagram post din ang ilang netizens kung saan sinasabing namataan nila si James sa isang bar noong January 14, Linggo, o isang araw matapos ang nakatakda sana nilang shooting.


Stories We Are Tracking

Did James Reid and Nadine Lustre cause movie shoot pack-up?
Did James Reid and Nadine Lustre cause movie shoot pack-up?

NADINE REACTS. Ngayong Miyerkules ng umaga, January 17, nag-post si Nadine ng status sa kanyang Instagram Story.

Ito ay larawan ng X-ray ng kanyang spinal column, na una niyang ipinost kahapon, January 16.

Caption niya rito: “Diarrhea, Fever, severe Back pain since last Friday. That’s all you need to know.”

Ang date nito ay January 12, isang araw bago ang nakatakdang shooting nila noong Sabado.


Wala mang direktang tinukoy ang 24-year-old actress, ang kanyang post ay malinaw na reaksiyon sa gitna ng mga espekulasyon tungkol sa hindi pagkakatuloy ng shooting nila noong Sabado.

Ibig sabihin nito, dahil sa kanyang kundisyon kaya hindi siya nakasipot sa shooting ng pelikula nila ni James.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN