Kim Chiu and Xian Lim's European vacation thrills their fans

IMAGE Kim Chiu Instagram

Kim Chiu is open to working with Gerald Anderson again, even as she she hopes to be paired with Xian Lim anew, thrilling both KimXi and Kimerald fans.


Ang pagbabakasyon na magkasama nina Kim Chiu at Xian Lim sa ilang bansa sa Europa nung nakaraang holiday ang nagtuldok sa matagal nang usap-usapang hiwalay na ang dalawa.

Lalo pang umingay ang isyung hiwalay na umano ang dalawa—bagamat wala pa silang diretsahang inaamin na sila nga—nang i-share ni Kris Aquino sa Instagram ang kanyang interview kay Kim sa block screening ng The Ghost Bride.

Dito ay sinabi ng TV host ang dasal niyang matagpuan na sana ni Kim ang isang tunay at pangmatagalang relasyon.

Umani naman ito ng pagkadismaya sa ilang KimXi fans.

Pero masaya na sila ngayong magkasamang muli ang kanilang favorite love team.

???????? ???????? ???????? ?? #withyou????

A post shared by Kimberly Sue Chiu ???? (@chinitaprincess) on

Ayon kay Kim, idea nila ni Xian na mag-tour sa iba’t ibang lugar sa Europe tulad ng Denmark, Finland, at Sweden.
   
Lahad niya, “Okay naman, masaya. Ibang bakasyon yung ginawa namin, masaya.

“Idea namin pareho para malayo sa ibang world naman, ibang dimension.

“Masaya... yung northern lights, first time naming nakita yun.

“Enjoy, enjoy magbakasyon na ganun, huminga.”


 
Na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kim sa studio ng ASAP nung nakaraang Linggo, January 14.


Stories We Are Tracking

Kim Chiu and Xian Lim spellbound by northern lights
Kim Chiu and Xian Lim spellbound by northern lights

MORE KIMXI OR KIMERALD? Marami rin sa KimXi fans nila ang nag-aabang na magtambal muli sina Kim at Xian sa isang proyekto.

Reaksiyon dito ni Kim, “Wala pa, hopefully, hopefully, sana mayroon.

“Ngayon mayroon siyang Paddington na siya yung nag-sound, so nakaka-proud.
    
“Next project, hindi ko pa alam kasi patapos pa lang yung show.”

Ang tinutukoy ni Kim na show ay ang Ikaw Lang Ang Iibigin ng ABS-CBN, na siyang nagbalik sa tambalan nila ni Gerald Anderson.

“Maybe next month, may update na kung ano ang mangyayari,” sabi ni Kim tungkol sa posibleng project nila ni Xian.

Samantala, ibinalita ng Kapamilya actress na huling dalawang linggo na lang ang Ikaw Lang Ang Iibigin.

Ayon kay Kim, “Thankful kami siyempre for Dreamscape, regalo namin ito para sa mga Kimerald fans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana suportahan nila ang pagtatapos namin ngayong January 26.
   
“Work again ni Gerald? Tingnan natin, depende… I’m happy naman na nagka-work kami uli.”       


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN