JC Santos tearfully apologizes to ex-girlfriend: "You deserve someone better."

IMAGE Noel Orsal

JC Santos on what he learned from his breakup with Teetin Villanueva: "Commitment talaga is a big responsibility."


Kinumpirma ni JC Santos na hiwalay na sila ng kanyang longtime girlfriend na si Teetin Villanueva.

Sa kanyang guest appearance sa Tonight With Boy Abunda kagabi, January 16, diretsahang sinabi ni JC na, “Opo, naghiwalay na kami ni Teetin.”

Nang lumabas ang balita tungkol sa paghihiwalay nila ng theater actress, may espekulasyong third party umano ang naging dahilan.


Stories We Are Tracking

JC Santos's ex-girlfriend accuses him of cheating
JC Santos's ex-girlfriend accuses him of cheating
JC Santos denies relationship with his stylist
JC Santos denies relationship with his stylist

Inamin ni JC na “third party” nga ang dahilan ng kanilang breakup, pero hindi tao ang tinutukoy niya.

“Opo, ang masasabi ko ay third party—at yung third party na yun ay yung career ko,” sabi ng lead actor ng pelikulang Mr. and Mrs. Cruz.

Patuloy pa niya, “Ayaw ko kasing maging unfair sa kanya, kasi po, sobrang selfless yung pagmamahal ni Teetin para sa akin, sobra.

"Naa-appreciate ko nang sobra.

“Nagiging unfair ako sa kanya dahil nawawalan ako ng time.”

Wala raw magagawa si JC kung hindi pa rin matanggap ng publiko ang kanyang paliwanag tungkol sa third party.

“Kung yun po ang interpretation ng mga tao, e.”

NOT YET... Sumang-ayon din siya sa naging pahayag ni Teetin sa social media, kung saan sinabi nitong imposibleng magkabalikan pa sila.

Sa palagay ni JC, masyado pang sariwa ang hindi magandang pangyayari sa kanilang relasyon.

“Tito Boy, ngayon na napakainit ng mga nangyayari, tingnan natin.

“Like, ngayon kasi, posibleng galit kami sa isa't isa. Nasa mabigat na situation pa sa relationship.

“Kung lumamig na eventually, magkaayos... Kasi, nandito pa rin naman ako bilang kaibigan para sa kanya.”

Hindi pa raw ngayon ang tamang panahon para mag-usap sila ni Teetin.

Sabi ni JC, “Not right now. Bukas pa yung sugat.”

Samantala, humingi ng paumanhin si JC sa kanyang ex-girlfriend dahil sa kinahinatnan ng mahigit apat na taon nilang pagsasama.

“Teetin, I'm sorry I let you down,” mangiyak-ngiyak na sabi ng aktor.

“Nandito pa rin naman ako, if ever, para maging kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You deserve to be happy. Pasensiya na kung hindi ko maibigay sa 'yo yun.

“Kasi nga, Tito Boy, napaka-loving ni Teetin at hindi ko mapantayan yung pagmamahal na yun."

Sabi pa ni JC sa dating kasintahan, “You deserve someone better.”

Ayon sa Kapamilya actor, dahil sa nangyari, natutunan niyang pagdating sa relasyon, “Commitment talaga is a big responsibility.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN