Pauleen Luna tells netizen: "Losing weight isn't done overnight."

IMAGE Instagram (@pauleenlunasotto)

Pauleen Luna clarifies she is not losing weight because she wants to return to work immediately.


Sinagot ni Pauleen Luna ang isang netizen na nagmungkahi sa aktres na huwag muna itong bumalik sa trabaho at mag-focus muna sa pag-aalaga ng kanyang two-month-old baby na si Talitha.

Ngayong Miyerkules, January 17, nag-post si Pauleen sa Instagram ng larawan niya habang sumasailalim sa treatment.

Bahagi ng kanyang caption: “Getting ready to go back on screen!”

May mga nag-react na excited sila sa pagbabalik-trabaho ng misis ni Vic Sotto.

Pero may ilang nagkomentong hindi pabor sa plano ni Pauleen.

Sabi ng netizen na si @trishiapinkseineop, makapaghihintay ang trabaho at mas kailangan siya ng kanyang baby ngayon.


Sinagot naman ito ni Pauleen, at nilinaw na hindi ibig sabihin ay nagbabalak siyang bumalik kaagad sa trabaho.

Sabi ng 29-anyos na actress-host, “Losing weight isn’t done overnight. That’s why I'm starting to prepare now.

"It doesn’t mean I’ll be back at work this month or next.”

Si Pauleen ay regular host ng Kapuso noontime show na Eat Bulaga.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN