Klea Pineda sets eyes on joining Binibining Pilipinas

IMAGE Noel Orsal

Even if Klea Pineda, 18, has no plans to join Binibining Pilipinas until she turns twenty one years old, she wants to start training as early as now. "Sana po makapag-training na ako this year, as soon as possible."


Hindi man umabot sa selection of candidates ng Binibining Pilipinas ngayong 2018, nais pa rin ituloy ni Klea Pineda ang pangarap na makasali sa patimpalak isa o dalawang taon mula ngayon.

“No, hindi po [ako this year sasali].

“Plan ko pong sumali, twenty-one, twenty-two years old [na ako],” sinabi ng 18-year-old Kapuso artist.

Dagdag niya, “Para life experience po, di ba, para trained na trained na talaga.”

Ngunit ngayon pa lang, nais nang mag-training ng dalaga para sa kanyang pagsali sa beauty pageant sa hinaharap.

“Sana as soon as possible, meron pong training na this year.

“Sana po makapag-training na ako this year, as soon as possible.”

Ayon kay Klea, sinunod niya ang payo sa kanya ng kapwa Kapuso artists na beauty queens din.

“Kasi ang dami pong nagsasabi sa akin, like sila Miss Ariella Arida, sila Miss Winwyn [Marquez], sila Megan Young...

“Sinasabihan nila ako na, ‘Huwag kang magmadaling sumali agad-agad kung alam mong hindi ka pa sure sa napi-feel mo, na sure ka na, na confident ka nang rumampa. Dala-dala mo ang Philippines.’

“Iyon, sinasabihan po nila ako. Lumalapit ako sa kanila!

“Halimbawa sa set, makikita ko sila, ‘Miss Winwyn, penge namang tips.’

“Binibigyan naman nila ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Klea sa presscon ng Sirkus, ang bagong weekly fantasy series ng GMA Network, noong nakaraang linggo.

Bida rito sina Mikee Quintos at Mikoy  Morales. 

Kasama rin sina Andre Paras, Chariz Solomon, Sef Cadayona, Divine Tetay, Gerard Arca, at si Ms. Cherie Gil.

Ito ay sa direksiyon ni Zig Dulay.

MODELING CONTEST EXPERIENCE. Ikinuwento rin ni Klea ang pagsali niya sa Asian Supermodel noong December 2017.

“One week po siyang competition.

"Ang ginawa po namin noong first five days, puro po kami photo shoots  sa area ng Saipan, sa beach, sa mga roads, ganyan, nagsu-shoot po kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro tinitingnan nila yung confidence namin, naggi-grade po sila.”

Para raw itong America’s Next Top Model.

“Parang ganun po siya pero Chinese po ang sponsor nitong event na ito.”

Paano napili si Klea para sa naturang contest?

“Ang GMA po kasi, sumasali na po talaga sila diyan, dati pa.

“Nagpapadala po sila ng photos at pipili po yung sponsor na Chinese.”

Dalawa sila ni Koreen Medina na isinali ng GMA-7 sa contest.

Ayon kay Klea, “Kaso, mag-isa lang po akong nakalipad kasi she lost her passport po.

“Sayang, sobra! Kaya mas nakaka-pressure po sa akin kasi mag-isa lang po ako nun.”

Ang representative ng China ang itinanghal na grand winner sa naturang competition.

Napanalunan naman ni Klea ang award na Miss Photogenic.

“At least, may naiuwi po ako dito,” nakangiting sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN