Pia Wurtzbach reacts to "crossover beauty queens" joining Binibining Pilipinas 2018

IMAGE Pia Wurtzbach Instagram

Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach on new batch of Binibining Pilipinas candidates: "Hindi ko pa sila nakikitang lahat, pero sa mga nakita ko na, laging sinasabi ko, ang daming magaganda this year."


Ilang araw pa lamang ang nakakalipas mula nang ianunsiyo ang 40 official candidates ng Binibining Pilipinas, kaya wala pang napipili si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kung sino sa tingin niya ang malaki ang tsansang manalo at mag-uwi ng mga korona.

Pahayag ni Pia, “Hindi ko pa sila nakikitang lahat, pero sa mga nakita ko na, laging sinasabi ko, ang daming magaganda this year. 

“Forty candidates, medyo marami yun. Good luck to all the girls.

“Bet? Wala pa kasi based on my experience, gaganda pa silang lahat, simula pa lang ito nag-i-screening pa lang sila.

“Siyempre, yung hitsura ko din naman dati, di ba?

“Nagbago din naman nung lalaban na ako, pag malapit na yung pageant.

“Siguro I’ll start looking at the girls more and more as the pageant night is getting closer.”

Ano ang reaksyon ni Pia sa mga tinatawag na “crossover beauty queens”?

Dalawa kasi sa mga kandidata ngayon sa Binibining Pilipinas ay titleholders na, gaya nina Catriona Gray na nanalo na bilang Miss World Philippines 2016 at Vickie Rushton na kinoronahang Mutya ng Pilipinas 2011.

Ayon kay Pia, “Okay lang naman yun.

“As long as okay sa organization, walang magiging problema sa contract, okay lang yun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pia sa launching niya bilang endorser ng Goya products, sa Vu’s bar, Marco Polo Manila, Ortigas Center, kagabi, January 17.

TRIP TO EUROPE. Marami naman ang kinilig at natuwa sa Instagram posts ni Pia, kung saan ibinahagi niya ang mga larawan nila ng boyfriend na si Marlon Stockinger na kuha sa Switzerland at iba pang lugar sa Europe noong nakaraang New Year.

Ayon kay Pia, na-enjoy niya nang husto ang bakasyon nilang ito.

“Hindi ko pa nga naa-upload ang lahat kasi wala akong time.

“Saka parang ang dami ko na ngang na-post, so hindi muna.

“Masaya, masarap yung feeling na maging Pia lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ng dating Miss Universe, “Pagpunta ko dun, hindi ko kailangang mag-ayos, mag-makeup, kasama ko lang ang family ko.

“Pero ngayon, I feel like recharged, refreshed, and ready to go back to work.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN