Angelica Panganiban reveals she almost hired private investigator to spy on ex-BF

IMAGE Noel Orsal

Judy Ann Santos on what she and Angelica Panganiban did before to investigate on their cheating ex-boyfriends: "In fairness, kapag binabalikan ko, 'A, nakakatawa pala.' Parang feeling ko, kailangan siyang pagdaanan o napagdadaanan siya at one point."


Tinatawanan na lang ngayon nina Judy Ann Santos at Angelica Panganiban ang mga nagawa nila noon para alamin kung niloloko ba sila ng kanilang boyfriend.

Sa digital conference ng pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes noong Sabado, January 13, natanong ang dalawang Kapamilya actress kung katulad din sila ng mga karakter nila na iniimbestigahan ang kani-kanilang asawa.

Sa panig ni Angelica, halos umabot na raw siya sa puntong mag-hire ng private investigator.

Sabi niya kay Judy Ann, “Umabot ako noon, Ate, nagpapa-hire na ako ng investigator.

“Yung talagang, 'Mag-hire na kaya ako?'

"Kasi nahuli akong sumusunod, e. Pero matagal na yun.

“Gusto kong mag-hire, kasi ang daming kilos at galaw, tapos nahuli ako.”

Pero naisip daw ng Banana Sundae actress, “Ang mahal! Ang mahal pala ng mga yun.

“Ang mahal, may mga P100,000.

"Pero matagal nilang susundan, hindi lang isang araw. Hangga't may makuha silang pruweba."

Tanong sa kanya ni Judy Ann, “Hanggang may makuha silang sagot, hindi mo na kailangan pang magdahilan sa sarili mo?”

Sagot ni Angelica, “Korek. Yung, 'Ma'am, final na ba 'to?'

“Ano yun, matagal na 'yan... eight years or seven years ago.”

Sa puntong ito ay pinigilan na ni Judy Ann ang kanyang co-star na magkuwento pa.

Aniya, “Kapag tinuluy-tuloy mo 'yang kuwento na 'yan, konti na lang, initials na ang kasunod niyan.”

Natatawang sabi naman ni Angelica, “Umabot ako sa ganung katangahan!”

SPYING ON EX-BOYFRIEND. Ibinahagi rin ni Angelica ang isang pangyayari kung saan sinubukan niyang alamin kung may ibang babae ang boyfriend.

Humahagalpak sa tawa na kuwento ng 31-year-old actress, “Tapos, minsan nahuli ako sa kusina, hindi kasi ako mapakali, kasi ilaw nang ilaw yung cell phone.

“Sabi ko, 'May nagti-text, e. May nagti-text sa kanya, e.'

“Kinuha ko yung cell phone, pumunta ako sa may kusina.

“Ganito talaga yung eksena ko, tinitingnan ko yung cell phone, basa-basa, 'Naku, talaga nga naman, may babae ka! May babae ka!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos sumilip [siya] dun sa kusina, 'Pssst, uy, anong ginagawa mo diyan?'

“Sabi ko, 'Nakabukas kasi yung gasul, pinapatay ko lang.'

“Yun talaga ang nasabi ko, 'Nakabukas kasi yung gasul, pinapatay ko lang.'

"'E, bakit hawak mo yung cellphone ko?'

“Sabi ko, 'Yung ilaw ginamit ko.'”

Sabay nagtawanan sila ni Judy Ann, kasama ang isa pa nilang co-star na si JC de Vera.

Hindi pa rin tinukoy ni Angelica kung sino itong ex-boyfriend niya.

Wala rin siyang ibinigay na anumang clue.

SOCO MOMENTS. Para kay Judy Ann, normal lang na pinagdadaanan ang ganitong sitwasyon ng mga nasa relasyon.

Aniya, “May mga ganyan naman akong moments noong dalaga ako, siyempre, di ba?

“Sa mundong ito, wala ka namang puwedeng itago.

“Pero noong time na yun, wala pa namang social media, so hindi mo talaga malalaman until mag-imbestiga ka talaga nang bonggang-bongga.”

Katulad ni Angelica, nag-imbestiga rin daw si Judy Ann, pero may hangganan.

Pag-alala ng 39-year-old actress, “Hanggang dun lang ako sa makita ko na may intimacy na, na wala naman sa harap ng camera, tapos na yung usapan.

“Hindi ko na lolokohin ang sarili ko.

“I won't even waste my time and invest emotions sa ganitong klaseng relationship, kasi it's such a waste of time.

“Pero in fairness, kapag binabalikan ko, 'A, nakakatawa pala.'

“Parang feeling ko, kailangan siyang pagdaanan o napagdadaanan siya at one point.”

Sabi pa ni Judy Ann, magkakaroon talaga ng pagkakataong “mapapa-SOCO” ka.

SOCO ang ginagamit na salita ng mga kabataan para ilarawan ang ginagawang pang-iimbestiga sa mga kaganapan ng kanilang mga idolo.

Ito ay hango sa Scene of the Crime Operation (SOCO) team ng Philippine National Police (PNP), na nag-iimbestiga ng mga krimen.

Naging popular din ito dahil sa programa ni Gus Abelgas sa ABS-CBN na may parehong titulo, pero ang ibig sabihin ay Scene of the Crime Operatives.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Judy Ann, “Di ba, may pagka-SOCO ka once na naramdaman mo na, 'Ay, may mali, may kulang. Mayroong something siguro 'to.'

“Tapos, kapag iba na yung naitatawag sa 'yo, 'Ah, kailan pa ako naging honey? Hindi mo naman ako tinatawag na honey.' Bakit ba ako tinatawag na honey?'”

Katulad ng payo niya kay Angelica, huminto na rin magkuwento pa si Judy Ann.

Katuwiran niya, “Naku, kapag may sinabi pa ako, malalaman na kung sino.

“Wala nang bubog, beh. Kapag naaalala ko, natatawa ako.”

Sabi sa kanya ni Angelica, “Kapag may naaalala kasi talaga, minsan nakakagigil din naman.”

Pagsang-ayon ni Judy Ann, “Di ba, 'Ginagawa mo naman akong tanga masyado. Sana sa pelikula lang yun, e, huwag mo na lang totohanin.'

“Mga ganun, di ba? Kaya kapag nakakapanood ka ng pelikula, 'Ay, naku, nagawa ko 'yan. 'Yan mismo, nagawa ko 'yan.'

“Nakakatawa kasi mare-realize mo na hindi ka pala nag-iisa.”

Muling nagtawanan ang stars ng Ang Dalawang Mrs. Reyes.

Sa huli, nasabi na lang ni Angelica tungkol sa kanilang pelikula, “Ang daming matututunan pala nila dito!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN